Skip to content

Chapter III: Preface (2)

Text size

Nang dumilim nà at ang báya y nagúgulo dahilàn sa paghahanàp nang manga gwàrdya-sibìl ay saká pa lámang nya nàpagkilála ang malakì ng pangánib na kanyà ng kinàbìbingítan. Sapagkàt itò y nàbalitáan nya agàd, kanyá nagkaroòn sya nang panahò ng makapagtágo sa isa ng líhim na súlok sa báhay nang kanya ng kaybígan.

Nang makaraàn ang manga paghahanapàn sya y lumabàs sa kanya ng taguàn, umwí sya, nagbalòt nang ilà ng damìt, nagpasingkàw nang isa ng karumáta, at pagkakúha nya nang manga bála nang barìl, binitbìt nya ang barìl, sumakày sya sa karumáta, at napahatìd sa labàs nang báyan. Pagkaraàn nang ila ng áraw ay namundok syà, kasáma nang ilà ng manga táo-ng-báyan na hindí makatirà sa loòb nang báyan, sapagkàt nàkagalítan sila nang kúra o nang iba pà ng Kastíla ng may katungkúlan sa báyan.

Díto sa pamumundok nyà sya y inabútan nang paghihìmagsíkan lában sa manga Kastíla` nang taò ng isa ng líbo walo ng daàn walò ng pu t ánim.

14. SI MARYÁNO AT ANG PÁRI NG SI PATÚPAT.

Si Maryáno ay isà sa íila ng botikáriyo sa báya-ng-San-Migèl. Sya y nagìng isà sa manga nasawi-ng-pálad dahilàn sa pagswày sa manga kautusàn nang kúra ng si Patúpat. Sya y may famíliya; bukòd sa asáwa ay may dalawà sya ng anàk, isà ng dadalawáhi ng taòn at isà ng kabàbágu ng panganàk pa lámang.

Isa ng áraw ang kanyà ng alíla ay nagkasakìt. Sya y may bayàw na médiko, kanyá ang alíla` ay ipinagamùt nya díto na walà ng báyad, at ang gamòt namàn ay ibinigày nya na walà ng báyad sa alíla`. Nang makaraàn ang ilà ng áraw ay gumalìng ang alíla` at itò y nagakála ng magpahingà ng sandalì` sa búkid. Kanyà` binayáran nya ang kanya ng útang at napaálam sya kay Maryáno úpang magtirà sa búkid. Hindí nalaúnan ang pagtitira nyà sa búkid at ang alíla ng itò y nagkasakìt na mulì`, at ang naging dúlo y ang kanya ng pagkamatày.

Sa Filipínas nang manga panahò ng yaòn ay hindí maàári ng huwàg pabendisyunàn ang isa ng patày bágo mábaòn. Itò y hindí ipinahìhintúlot nang manga kúra, dátapuwat ang pagsasáma na hindí kasàl nang isa ng babáye at laláki ay hindí nila masyádo ng pinápansìn, palibhása y gawá rin namàn nilà.

Ang patày na alílà ni Maryáno ay lubhà ng mahírap at ang kanyà ng manga kamagának ay mahihírap dìn at walà ng ikakáya ng magbáyad sa halagà na sinísingìl ni Patúpat. Dáhil díto y walà ng magpabaòn sa katawàn nang alíla`.

Nang màláman itò ni Patúpat ay ipinatáwag nya si Maryáno at sinábi nya ng siyà ang dápat magpabaòn sa patày at siyà ang magbáyad nang gàstos. Sa akálà ni Maryáno ay lumálampàs ang kasalbahíhan ni Patúpat. Kanyá sinábi nya na hindi nyà sya bàbayáran sa pagbabaòn nang patày, káhit na anò ang mangyáre.

Si Patúpat ay sinubhàn nang gálit. Ipinabaòn niya ang patày at sa áraw di ng iyòn ay naparoòn sya sa hùkúman at ipinagsakdàl nya si Mariyáno úpang pagbayáran siyà nang gàstos sa pagbebendisyòn sa patày.

Nang dumatìng ang paghuhùkúman si Maryáno y naparoòn at nang itinanòng nang hukòm kung anò ang íbig nya ng sabíhin tungkòl sa sakdàl na iyòn, ay sinábi nya itò ng sumúsunòd:

"Ginoò ng Hwès, ang namatày na iyòn ay walá na sa áki ng kapangyaríhan, sapagkàt hindí ku nà sya alíla nang sya y namatày. Noo ng syà y máy sakit pa lámang ay ipinagamòt ko syà ng wala ng báyad, at binigyàn ko syà ng wala ng báyad nang gamòt. Nagawá ku nà ang áki ng katungkúlan sa áki ng kápuwa táo at ang katungkúla ng iniyátas sa ákin ni Bathála`. Isà sa manga katungkúlan nang manga párè` ay ang magpabaòn nang manga patày. Ngayò ng ang táo ng iyòn ay patay nà, bákit namàn hindí magawá nang pári ng itò ang kanya ng katungkúlan na walà ng úpa, yámang ito namàn ay hindí mangyàyári kung may káya ang manga kamagának nang namatày?"

Pagkaraàn nang manga ilan pà ng manga tanòng nang hukòm sa kúra at kay Mariyáno ay tinápus nya ang paghuhùkúman, at ipinaháyag nya ng si Mariyáno ay nása katwíran at ang kúra y dápat magpasyènsya sa pagkábendisyon nyà nang patày na wala ng úpa.

Nang makaraàn itò y lálu ng lumakì ang gálit ni Patúpat kay Maryáno, at pagkaraàn nang ilà ng áraw ay ipinagsakdàl niya ng mulí si Mariyáno. Ngayòn ay iba namàn ang kanya ng sakdàl. Isinakdàl niya sa hùkúman na si Maryáno ay isà ng Masòn, sapagkàt sya y hindí nagsísimbà nì hindí nangúngumpisàl nì hindí rin nagmàmáno sa páre`. Ang manga Masòn ay kaáway nang Romanìsmo at sa makatwìd ay kaáway dìn nang pàmahalaàn sa Filipínas nang manga panahò ng iyòn, at dáhil díto y kanya ng ipináyo na si Maryáno y ipatápon sa ibà ng lupaìn.

Nang màbalitáan ni Maryáno ang sakdàl na yitò ni Patúpat ay inakálà nya ng walá na sya ng pagása kung hindí ang magtagò o umílag sa mangà manghuhúli sa kanyà. Kanyà` ang ginawá nya ay lumwàs sya sa Mayníla` at doòn sya nagtagò`.

Dátapuwat doon màn ay nàhúli rìn syà nang manga gwàrdya-sivìl. Kasáma nang pitò o walò ng taga iba t ibà ng báyan sya y inilúlan sa isà ng bapòr at dinalà sila sa ibabá nang kapuluà-ng-Filipínas. At doòn pagdatìng nilà ang ibà sa kanila ng magkakasáma ay pinagbábarìl nang manga sundálo ng naghatìd sa kanilà, sapagkàt iyòn ang útos nang pinúno ng nagpatápon sa manga táo ng iyòn.

Dátapuwat si Maryáno y hindí naging isà sa manga nábaril na iyòn. Doòn sya nátirà hanggàng sa pananálo nang manga Amerikáno ay nagkaroòn sya nang kalayáa ng makabábalik sa kanya ng famíliya. Nang itò y datnan nyà ang isa nyà ng anàk ay pitò na ng taòn ang gúlang at ang ikalawà namàn ay limà na ng taòn.

15. ANG INTSÌK NA MÀNGANGÁTAM.

Si Hwàn ay isa ng alwáge na may kápit-báhay na Intsèk na aluwáge rìn. Ang Intsèk na ytò ay isa ng magalìng na alwáge at ang kanya ng kínis ay nàpagkìkilála sa magalìng nya ng paggámit nang katàm. Isa ng áraw nakábili syà nang isa ng piráso-ng-káhoy na may ápat na pu ng paà ang hába`. Itù y kanya ng nilínis. Sinubúkan nya kung makakùkúha syà nang pinagkatamàn na walà ng patìd sa boò ng hábà nang káhoy. Dahilàn sa húsay nang kanyà ng kasangkápan at sa kanyà ng kabutíhan sa pagaalwáge, ang bágay na yòn ay nagìng pára ng walà ng ano màn sa kaniyà. Twì ng isùsúlung niya ang katàm ay nakakùkúha nang pinagkatamàn na walà ng patìd, ápat na pu ng paà ang hába`. Úpang ipakilála nya sa kápit-báhay niya ng aluwági ng Tagálog ang kanyà ng galìng, itò y kanyà ng pinadalhàn nang isa ng pinagkatamàn áraw-áraw.

Ang aluwági ng Tagálog na si Hwàn ay nàpagúlat sa galìng nang Intsèk. Úpang gantihìn nya ang kanyà ng manga tinanggàp na pinagkatamàn, sinubúkan dìn nyà ng kumatàm at ipadalà sa Intsèk ang pinagkatamàn. Dátapuwat ang pinakamahábà nya ng nàkúha na pinagkatamàn ay may-roon lámang na labì ng limà ng paà. Itò y kahyá-hiyà ng ipadalà sa Intsèk.

Si Hwàn ay magalìng gumámit nang daràs at siya y nakapagpàpakínis nang tablà sa pamamagítan lámang nang daràs. Hindí na kayilánga ng gamítan nang katàm ang ano mà ng káhoy na kanya ng darasìn, dátapuwat ang pinagdarasàn ay manga tátal na maiiklí lámang, hindí súkat pagkàkilanlàn nang kanyà ng galìng, at hindí nya màipadalà sa Intsèk.

Hábang si Hwàn ay walà ng màláma ng gawìn, ang Intsìk namàn ay hindí naglúlubày nang pagpapadalà nang pinagkatamà ng mahahába`. Siniglàn si Hwàn nang gálit. Sinunggabàn nya ang kanya ng daràs at pinarunàn nya ang Intsèk. Itò y nàpagúlat at natákot nang màkíta si Hwàn.

Sinábe nitò: "Anò ang gustu mu ng sabíhin sa manga ipinagpapadalà mo ng pinagkatamàn sa ákin? Akò y binuwísit mo at itò y iyo ng pagbàbayáran. Pùputúlin ko ang buhuk mò sa pamamagítan nang daràs na itò."

Ang Intsèk ay natákot, sapagkàt, pag ang úlo nya y tinamaàn na nang daràs na iyòn, ay pího ng hindí sya mabùbúhay. Sya y nagkàkawalà`, dátapuwat sinunggabàn sya ni Hwàn, iginápus sya sa bangkò`, at inumpisahàn nya ng dinaràs ang úlo nang Intsèk.

Ang daràs ay isa ng kasangkápa ng malakì, gáya nang isà ng píko, at mabigàt, dátapuwat sa magalìng na kamày ni Hwàn itò y naging pára ng isa ng guntìng lámang. Ang lagpàk nang daràs sa úlo nang Intsìk ay lubhà ng banáyad, at ang manga buhòk lámang ang pinùpútol nang patalìm.

Sa tákot nang Intsèk itò y nagsisigàw na sinábe: "Wapélo! Daluhàn ninyò kò, masamà táo si Hwàn, hindí Kilistyáno!"

Itò y nárinig nang manga kápit-báhay at ibà ng nagsìsipaglakàd.

Kanyá pumások silà sa gàwáan nang Intsèk at doòn ay sinábi sa kanilà ni Hwàn: "Hwag kayù ng makialàm díto! Ang Intsìk na yitò y hindí ko sinàsaktàn. Ákin lámang pinùputlàn nang buhòk."

At patúluy dìn ang kanyà ng pagdaràs.

Nang mapútul na nya ng lahàt ang buhòk nang Intsèk ay malakì ang nagìng pagkámanghà nang nagsìsipanoòd, sapagkàt ang buhòk nang Intsèk ay pára ng ginupìt nang guntìng nang isa ng bihasà ng barbéro. Ang Intsìk namàn, nang màkíta nya sa salamìn na wala ng súgat ang kanya ng úlo, ay malaki rìn ang nagìng pagkámanghà`, at hindí mapatìd ang pagpúri nya sa galìng ni Hwàn sa paggámit nang daràs.

16. ISA NG TÁO NG MAY BIRTÙD NANG USÀ.

Mínsan sa isa ng báyan sa kapuluà-ng-Filipínas ay náhayàg ang pangálan nang isa ng táo sa kanya ng manga kababáyan at manga kápit-báyan, dahilàn sa hindí karanyúwa ng lakàs nya sa pagtakbò at pagluksò.

Sya y isa ng táo ng hindí mayábang, dátapuwat may kauntì ng talíno sa paghahánap at gayon dìn may kauntì ng tápang. Ang kanya ng hindí karanyúwa ng kapaláran ay hindí nya ipinagmayabàng ní hindí nya ipinagkayilà` kung anò ang pinanggàgalíngan nang kanyà ng dí karanyúwa ng lakàs. Sinábi nya sa mangà mapagusísa` na ang pinanggàgalíngan nang kanya ng lakàs ay ang angkìn niya ng birtùd nang usà. Hindí nya sinábe kung papáno ang pagkápasa kanyà nang birtùd na iyòn, dátapuwat siya y hindí marámot sa pagbibigày-loòb úpang ikatúlung niya sa mangà kakilála o hindì` ang kanya ng lakàs.

Sya y may pagíbig na yumáman, gáya nang karamíhan nang táo, at díto nya ginámit ang kanya ng lakàs. Paráti sya ng nakìkipagtakbúhan, at ang manga takbúha ng itò y lágì na ng pinagkatalunàn nang marámi ng salapè`. Sya ay lágì na ng may malakì ng pustà. Walá sya ng itinángì na pinakìkipagtakbuhàn. Kung mìnsan nakìkipagtakbúhan sya sa kápwa táo, kung mínsan ay sa kabáyo, sa áso, at sa iba pà ng háyop na matúli ng tumakbò.

Pagkaraàn nang ila ng áraw ay dumámi ang naípon nya ng salapì` na pinanalúnan sa pustáhan. Gayon dìn ang kanya ng manga kaybígan na nagsipustà sa kanyà ay nagkaroòn nang marámi ng kwàlta. Nang màpagaláman nang manga táo na syà y may birtùd nang usà ay hindí na sya íbig labánan sa takbúhan. Dáhil díto y úpang hwag máhinto` ang kanya ng pananálo at pagkíta nang kwaltà, ay nagbíbigay syà nang malalakì ng palúgit sa kanya ng kinàkalában. Dáhil sa kalakhàn nang manga palúgit na ibinigay nyà ay marámi rì ng táo ng lumában sa kanyà. Dátapuwat tuwí nà y sya ang nagìng mànanalò. Gayon dìn sa manga pakikipagluksúhan paráti nà ng syà ang nanànálo.

Dátapuwat, kung malaki màn ang kabutíha ng nàkamtan nyà sa birtùd na ytò, ay máy-ron dì ng ilà ng kahirápan na nàkamtan nyà dahilan díto. Dahilan dìn sa kahirápa ng itò ay hindí nya natagalà ng angkinìn hábang búhay nya ang birtùd na iyòn. Dahilàn sa birtùd na iyòn sya y nagìng lubhà ng magugulatìn. Ang manga kalabòg, íngay, at tahòl nang áso kung gabì ay hindí nagpatúlug sa kanyà. Dahilàn sa manga íngay na yitò, kung natùtúlug sya ay palági ng nàpàpaluksò. Lálù na, kung isa ng tahòl nang áso, halimbáwa`, ang makàgísing sa kanyà, sya y nàpàpaluksò nang lubhà ng mataàs sa kanyà ng hihigàn, at bágo sya pagsa-ulàn nang saríle, ay nagtàtatakbò na syà. Sa pagluksu nyà ng itò na hindí sinásadya` ay walá sya ng nagíging pagiíngat at karanyúwa y umáabot syà sa ituktòk nang bubungàn, at sa kababáan nitò y lági ng nalálamog ang kanya ng katawàn o kayà y nagkàkabúkul syà sa úlo, dahilàn sa pagkáhampas nyà sa bubungàn. Gayon dìn sa kanya ng hindí sinásadya ng pagtakbò pagkágising nyà dahilàn sa pagkàgúlat, ay nagkàkaumpòg-umpòg ang boò ng katawan nyà sa manga dindìng nang kanya ng báhay.

Itò y isà ng mahírap na tìísin, at inakálà nya ng hindí sya mabùbúhay nà ng malwàt dahilàn sa hindí pagkàkatúlog kung gabì. Kanyá inakálà nya ng itápon ang birtùd na ytò pagkaraàn nang ilà ng áraw. Nang sumápit ang ikapitù ng áraw nang kanya ng pagaáre` sa birtùd ay sya y lubhà ng hirap nà at inakálà nya ng sya y mamámatay nà sa hírap. Ang úlu nya ay bukulàn. Ang mukhá nya ay marámi ng pasà` at káhit na hindí sya nabalían nang butò, ang manga lamàn namàn nya ay lubhà ng lamòg.

Dáhil díto y walà ng kibú sya ng naparoòn sa isa ng párang at itinápon nya doòn ang birtùd na nàpúlut nya, yámang marámi na rìn lámang siya ng salapì ng pinanalúnan.

17. ANG ALÍLA NG UNGGÒ`.

Siy Andrès ay máy-roo ng isa ng alíla ng unggò na kanyà ng lubhà ng minámahàl, sapagkàt ang unggu ng itò y nagbíbigay sa kanyà nang malakì ng serbísyo. Kung gabì ipinaglàlátag sya nang banìg nang unggo ng itò; kung umága ay iniháhandà` ang kanyà ng panghilámos, at ang ano mà ng kanya ng iyútos ay sinúsunod nang unggò`.

Gabì-gabì ang unggu ng itò y natùtúlog sa ilálim nang kátri ng tinùtulúgan nang kanya ng panginoòn. Itò y hindí gustò nang kanya ng panginoòn, sapagkàt, dahilàn sa kanya ng malakì ng kabuluhàn, ay íbig ni Andrès na syà y bigyàn nang isa ng mabúte ng lugàr na tulugàn. Dátapuwat, káhit na gánu ng pagpílit ang gawìn ni Andrès, ay hindí nya mapatúlog sa ibà ng lugàr ang kanya ng alíla ng unggò`.

Siy Andrès ay isa ng táwu ng may tákot at pagíbig sa Dyòs. Kanyá gabi-gabì bágu sya matúlog ay nagkúkurus syà at tumàtáwag sya sa Dyòs. Sa óras nang kanya ng paghigà gabi-gabì ay dinàratnan nà nyà na nása ilálim nang kanya ng kátri ang unggò`. Mínsan màn ay hindí sya náuna sa paghigà` sa unggu ng itò.

Isa ng áraw ang párì sa báyan ay dumálaw kay Andrès sa kanya ng báhay. Pagkaraàn nang ilà ng sandalì ng pagsasàlitáan ay ibinalítà niy Andrès sa páre` na sya y máy-roo ng isà ng alíla ng unggò na lubhà ng malakì ang kabuluhàn, sapagkàt sya y pinagsìsilbihà ng mabúte, at káhit na anò ang iyútos nya ay sinúsunod, at sinábi pa nyà ng masípag pa káy sa manga iba nyà ng alíla` ang unggo ng iyòn.

Malakì ang nagìng pagtatakà nang páre`, at hiniling nyà ng ipakíta sa kanyà ang unggò ng iyòn. Kanyá tináwag ny Andrès ang unggò`. Hindí gáya nang dáti, na sa isà ng táwag lámang niy Andrès ay lumàlápit agad-agàd ang unggò`, ngayòn makása-m-pu ng táwag nà ay walá pa syà. Siy Andrès ay nagálit, nagtindìg, at hinánap nya sa manga sulok-sulòk nang báhay ang unggò`.

Ito y nàkíta nya sa isa ng súlok at nakakápit na mabúte sa isa ng halíge. Tináwag nya at kanya ng pinaáalis sa súlok, dátapuwat ang unggò y áyaw umalìs doòn, káhit na anò ang gawìn sa kanyà. Dáhil díto ay tináwag nya ang páre`, úpang itò y doòn tingnàn sa súlok ang alílà nya ng unggò`.

Pagkálapit nang páre` ang unggò y kuminìg sa tákot. Nagkaroòn nang hinálà ang párè` na ang unggù ng iyòn ay isà ng dimónyo. Kanyà` ang ginawá nya y nagkurùs sya at pagkabendisyòn nya nang kauntì ng túbig ay niwisikàn nya ang unggò`.

Pagdápo` sa katawàn nitò nang túbig ay pumutòk na pára ng isa ng barìl, at sa lugàr nang unggò` ay walá silà ng nàkíta kung hindí asu lámang na agàd nawalà`.

Pagkaraàn nitò siniyásat nang páre si Andrès tungkùl sa kanya ng paniniwála sa Diyòs. Sinábi ny Andrès na hindí nabàbágo ang matíbay nya ng paniniwála` at gabi-gabì nagdádasal syà bágo matúlog. Siniyásat dìn nang páre` kung saàn tumùtúlog ang unggò`. Sinábe ni Andrès na itò y tumúlog gabi-gabì sa ilàlim nang kanyà ng kátri ng tulugàn.

Pagkaraàn nitò y ipinakilála sa kanyà nang páre` na ang unggù ng iyòn ay isà ng dimónyo na umáabàng sa kanyà, at kung syà y sumála nang pagtáwag sa Diyòs bágu matúlog, sa gabì di ng iyòn ay ihùhúlug sya nang dimónyo sa infyèrno.

18. ANG MATANDÁ SA PUNSÒ SA LIWÁNAG NANG ÁRAW.

Si Pédro ay isà ng matápang na laláke. Paráti sya ng nakárinig nang manga kwènto tungkùl sa asuwàng, duwèndi, mangkukúlam, at mangà matandá sa punsò, dátapuwat ang ipinagtátakà ni Pédro ay kung bákit hindí sya makátagpo nì káhit isà nang mangà bágay na itò. Íbig niya ng makàkíta nang isa man lámang sa kanilà, úpang màláman nya kung túnay ngà` na silà y máy-roo ng manga kapangyaríha ng hindí karanyúwan sa karamíhan nang táo.

Sya y naglálakàd na isa ng gabì sa isà ng lugàr na madilìm at pinagkàkatakutàn, sapagkàt díto y marámi ng nakàkíta nang matandá sa punsò.

Ang tabáko nang matanda ng itò y nakatàtákot ang lakì, at kung itò y hititin nyà ang liwánag na nangyàyári ay pára ng liwánag nang isà ng sigà`.

Sa gabi ng iyòn sa kanyà ng paglalakàd maláyù pa syà y nakàkíta na syà nang isà ng liyàb. Ang buhuk nyà y nagsitindìg at inakálà nya ng bumalìk, dátapuwat nàpigílan nya ang kanyà ng tákot at ipinatúloy din nyà ang kanya ng paglákad.

Sya y sinalúbong nang nagtàtabáko. Pagkálapit nya y inanínaw nya ang katawàn nang matandà ng iyòn, dátapuwat hindí rin nasyahàn ang kanya ng pagsisyásat, kanya iníbig nya ng màkíta sa síkat nang áraw ang matandà ng iyòn. Úpang itù y mangyári dápat nya ng pigílin ang matandà`, sapagkàt ang manga ispíritu ng itò ay bumábalik sa kanilà ng tàhánan sa impyèrno o iba pa mà ng lugàr sa paglápit nang umága.

Kanyà` ang ginawá nya y hinawákan nya agàd ang matandà`. Ito y nakipagbunò sa kanyà. Kung mínsan sya y nása ilálim, kung mínsan sya y nása ibábaw, dátapwat hindí nya pinakawalàn ang matandà`. Mahigpìt na mahigpìt ang kanya ng kápit at tinalaga nyà ng sumáma káhit na saàn sya dalhìn nang matandà kung itò y malakàs káy sa kanyà.

Silà y nagbunò hanggàng alastrès. Si Pédro sa óras na itò ay pagòd na pagod nà at malakì ang panglalatà`, dátapuwat hindí rin nya binitáwan ang kanyà ng kabunò`. Nang magàalaskwàtru nà ay naglubày nang pagkílos ang kanya ng háwak. Nang makaraàn ang kalaháti-ng-óras ang sínag nang áraw ay nagumpisa nà nang pagtanglàw sa kanilà, dátapuwat hindí pa rìn lubhà ng maliwánag úpang màpagkilála ni Pédro kung anò ang kanyà ng tángan. Nang dumatìng ang alasìngko ay malaki nyà ng pagkámangha`, nang màkíta nya ng sya y nààákap sa isà ng halígi ng hindí lubhà ng mataàs káy sa kanyà, dátapuwat nàtùtúlus sa lúpà at sunòg na sunòg.

19. ANG TIYÁNAK NI HWÀN.

Isa ng gabè si Hwàn ay tumawìd sa ílog sa kanya ng paglilibòt. Nang sya y nása pasígan pa lámang, nakáramdam syà nang sábuy nang buhángin sa kanya ng likòd, nang sya y mátuntung nà sa kabuhangínan.

Nang úna ng gabè itò y hindí nya ininò. Nang ikalawà ng gabè, nang magdaàn sya ng ulè sa pasíga ng itò, nakáramdam sya ng mulí nang sábuy nang buhángin sa kanya ng likòd. Inakálà nya ng subúkan at hulíhin ang nagsàsábuy sa kanyà nang buhángin, kanyà` sa kanya ng paglákad ay pamínsan-mínsan sya ng pumìpíhit na pabiglà` sa kanya ng likuràn, dátapwat walá sya ng màkíta káhit na anò.

Dáhil díto y siniglàn siya nang kaunti ng tákot at inakálà nya ng baká kung anù ng matandá sa punsò o tiyának ang kanya ng nàkàkatúngo. Kanyá` tinulínan nya ang pagtakbò, dátapuwat hábang nagtùtúlin sya ay lálu namà ng dumádalas ang pagdápù nang buhángin sa kanya ng likòd. Lumakì ang kanya ng tákot at dáhil díto y bumalik syà sa kanya ng báhay na patakbò nang úbus-lakàs.

Nang dumatìng sya doòn ay hinàhábul nya ang kanya ng hiningà at hindí sya makaúsap. Nang sya y makapaghinga nà nang kauntè` ay saká pa lámang sya nakasagòt sa marámi ng manga tanòng nang kanya ng amà at iba pà ng kasa-ng-bahày. Sinábi nya sa kanya ng amà na sya y sinùsundàn nang manga dwènde sa kanya ng paglalakàd at sinàsabúyan sya nang buhángin.

Itinanòng nang kanya ng amà kung saàn ang lugàr na iyòn at sinábi nya ng sa pasígan nang ílog. Ang kanya ng amà ay nápahalakhàk nang táwa at sinábi nya ng iyòn ay hindí dwènde, dátapuwat ang kanyà lámang paà ang nagtátangày nang buhángin sa kanya ng likòd sa báwat kanya ng paghakbàng.

Dátapuwat si Hwàn ay áyaw maniwála` at máy ila ng áraw na hindí sya nanáog nang báhay. Dáhil díto y iníbig nang kanya ng amà na màipakilála sa kanyà ang katotohánan nang kanya ng sinábe, at isa ng gabè ay sinábi nya kay Hwàn na sya y magpasyàl at magdaàn sa lugàr di ng iyòn at sya y kanyà ng sàsamáhan.

Pumáyag si Hwàn at sila ng dalawà y naparoòn sa pasígan. Nang dumatìng na sila doòn ay nagpahúle ang ama ni Hwàn. Nang itu namàn ay naglálakad nà sa kabuhangínan at nang sya y nakáramdam nang sábuy nang buhángin sa likòd, siniglàn sya ng mulí nang tákot at isinigàw nya sa kanya ng amà na nagumpisa nà nang pagsábuy nang buhángin sa kanya ng likòd.

Pinabalìk nya si Hwàn at kanya ng pinalákad na mulè`. Ngayòn ay sinùsundan nyà sa likuràn. Dáhil díto y nàkíta nang ama ni Hwàn na twì ng sya y háhakbàng ang sinélas na soòt nya ay nagtátangày nang buhángin, at sa pagaalsà nitò nang paà ang buhángi ng tangày ay napàpasábuy sa likòd ni Hwàn.

Ang ginawá nang kanya ng amà ay ipinaalìs ang soòt nya ng sinélas at pinalákad sya ng mulì`. Ngayòn, káhit na gáno kaláyo` ang lakáran ni Hwàn ay walá na sya ng nàràramdamà ng sábuy nang buhángin sa kanya ng likòd.

Mulá noon ay nawalàn sya nang tákot sa manga matandà`, duwènde, asuwàng, at iba pà ng pinagkàkatakutàn.

20. SI HWÀ NG MANGLILÍGAW.

Ang dalága ng si Maryà ay balíta nang gandà sa kanya ng báriyo. Dátapuwat walà ng manglilígaw sa kanyà, líban na lámang kay Hwàn. Ngúnit ang amà ni Maryà ay malakì ang pagkáayaw kay Hwàn. Hindí màkaúsap ni Hwàn ang nilìligáwan kung hindí palihìm, sapagkàt pag nàláman nang amà ni Maryà, itò y sinàsaktan silà kápwa` sa pamamagítan nang pamálò`. Kung mìnsan at malakì ang gálit nang amà ay bambò ang ginàgámit nya kay Hwàn, at sa ganitò y malápit sya ng mabalían nang butò káylan man at sila y màhúli sa paguúsap.

Isa ng gabì ng madilìm ang amà ni Mariyà ay naglibòt. Nang itò y màláman ni Hwàn pinarunàn nya si Mariyà úpang kausápin. Nalibàng sila sa paguúsap, kanyá sila y dinatnàn nang amà ni Maryà sa kanya ng pagwè`.

Siniglàn sya agàd nang gálit at pasigàw nya ng kinaúsap si Hwàn: "Anu kà, salbáhe? Sinábi ku nà sa iyò ng hwag kà ng tútuntong díto sa áki ng pamamáhay. Ano ang íbig mo t nàrìrito kà?"

At pagkasábe nitò y sinunggabàn nya ang isa ng bisìg nang kawáyan at inakmaàn nya ng bambuhìn si Hwàn. Sa malaki ng tákot nitò ay nagtalòn sya sa bintánà`, dátapuwat sinundàn din syà nang amà. Kanyá ang ginawá nya y tumakbò sya nang úbus-lakàs.

Ang gabì ay madilìm na pára ng úling, at hindí nya màtumpakàn kung saàn ang parunàn, dátapuwat patúloy rin sya nang pagtakbò. Nagkangdadápà sya sa pagtakbò, dátapwat maligsi syà ng nagbàbángon at patúluy din sa pagtakbò.

Hindí naláon at nakádaan sya nang isà ng malakì at maitìm na bágay. Nàkilála nya ng iyòn ay isa ng kalabàw, kanyá sya y lumundàg agàd sa likòd nitò, at kanya ng pinatakbò.

Ang pagsakày sa kalabàw ay hindí lubhà ng mahírap sa kalapáran nang likòd nitò at sa kahináan nang takbò. Kanyà`, káhit na walà ng pamitìk si Hwàn ay dí natákot na sumakày. Sa kadilimàn nang gabì sa kanya ng pagsakày ay nangyári ng náharap sya sa buntútan nang kalabàw at hindí sa uluhàn.

Pinatúlin nya ang kalabàw. Nangyári namà ng ang kalabàw na itò ay árì nang amà ni Maryà. Hindí nalaúnan at nakátanaw sya nang báhay na maílaw sa pinatùtungúhan nang kalabàw. Ang boò ng ása nyà ang báhay na iyòn ay sa kanya ng kápit-báhay. Kanyá bumabá sya sa kalabàw at patakbo syà ng pumanhìk sa báhay.

Malakì ang nagìng pagkalitò nya at pagkatákot nang pagkápanhik nya y sinalúbong sya nang amà ni Maryà, at binambò sya sa katawàn at sinábi: "Anò t nagbalìk ka pà? Hindí ba pinaláyas na kità, wala ng hyà`?"

Nang pagsa-ulàn si Hwàn nang kanya ng saríli ay nagtalòn sya sa batalàn at tumakbò sya ng mulí patúngo sa kanya ng báhay, dátapuwat ngayò y hindí na sya sumakày sa káhit anò pa màn.

21. SI MARIYÀ NG MARÁMOT.

Nang nabùbúhay pa si Mariyà ay nátira syà sa kanya ng maínam na báhay sa gitná nang isa ng maláwak na bakúran na may magagandà ng hardìn at manga púnu-ng-káhoy. Sya y lubhà ng mayáman, kanyà` ang búhay nya y isa ng panày na kaginhawáhan.

Hindí sya nakaratìng nang ápat na pu ng taòn sa gúlang at sya y namatày. Ang lahàt nang kanya ng yáman ay hinátì nya sa kanya ng kapatìd at sa simbáhan. Hindí nya nàalaála ang mahihírap nya ng kakilála at ilà ng kápit-báhay.

Ang kapatìd na naíwan ay nagpamísa nang sunòd-sunòd sa loòb nang pito ng áraw, úpang ang káluluwa ni Mariyà ay papasúkin ni Sam-Pédro sa pintúan nang lángit.

Nang ang kanya ng kapatìd ay nabùbúhay pa itò y balíta ng balítà sa karamútan. Siya mìsmo ay bihíra ng magpamísa o magpatúlos nang kandíla`. Ang manga pulúbi ng nagpàpalimòs, kung tumáwag sa kanyà, ay pinalàláyas nya at hindí nilìlimusàn. Kadalasàn ay ipinahàhábul pa nyà sa áso. Ang kanya ng manga kasamà ay pinapagtàtrabáho nya nang walà ng úpa, at kung kanya ng pakánin, ay wala ng úlam,--asìn at kánin lámang. Sa panunúyo sa kanyà nang kanya ng manga kasamà, twi ng silà y nagsìsiuwè` ay nagdádala sila nang manga manòk, itlòg, biìk, at manga búnga nang gúlay o haláman, úpang ibigày kay Maryà. Ang manga alaála ng itò ay hindí nila ibiníbigay dahilàn sa kanilà ng pagmamahàl kay Maryà, dátapwat pára ng isa ng súhol, úpang sila y hwag masiyádu ng alipustaìn sa kanilà ng pagparoòn sa kanya ng báhay. Kung si Maryà namàn ay lumálabas sa búkid sa kanya ng manga kasamà, ang báwat màkíta nya sa pamamáhay nila na kanya ng màgustuhàn ay kinùkúha nya nang wala ng kibò` at hindí nya binàbayáran. Kung halimbáwa y makàkíta sya sa kanya ng manga kasamà nang isà ng bágu ng yári ng bákol, biláo, bistày, bayòng, banìg, palayòk, lumbò, sandòk, kalàn, o iba pà ng kasangkápan sa báhay, ay kinùkúha nyà at ipinadádala nyà sa kanya ng báhay. Kung hindí nya magámit ang manga pinagkúkuha nyà ay ipinagbíbili nyà. Gayon dìn ang gawá nya sa manga háyop nang kanya ng manga kasamà. Dáhil díto y yumáman sya ng agàd.

Nang sya y máy-roon nà ng tatlu ng áraw na namámatày, ang kanyà ng kapatìd ay nàròroòn sa kanyà ng báhay at doòn nagpàpalípas nang pagdadalamháte`. Isa ng hápun nang sya y naglálakad sa hàlamanàn, nátabi syà sa balòn na nása bakúran. Nàpagúlat sya, sapagkàt sa ilálim nang balòn ay may nárinig syà ng tumàtáwag sa kanya ng pangálan. Itinungu nyà ang kanya ng úlo sa balòn at doòn ay lálu ng nárinig nyà ng mabúte ang pagtáwag, dátapuwat walá sya ng màkíta ng táo na káhit anò.

Sinábi nang bóses: "Áki ng kapatìd, akò ay si Mariyà. Ang ginawá ku ng pamumúhay na karamútan, kasakimàn, at kalupitàn ay áki ng pinagbàbayáran ngayòn. Akò ay nàrìrinè sa pàrusahàn ni Bathálà sa lahàt nang makasalánan. Kung maàárì ay hwàg mu akò ng tuláran, at ikaw sána y humánap nang paraàn úpang mahángo mo akò díto sa kumúkulu ng langìs na áki ng tìráhan ngayòn."

Ang kanya ng kapatìd ay lubhà ng malakì ang nagìng pagkahápis, at sya y naparoòn agàd sa páre`, úpang ipagtanòng kung papáno ang paraà ng magágawà nyà úpang mahángo nya sa infyèrno ang kanyà ng kapatìd. Ipináyo nang pári` na sya y magsadyá sa isa ng báyan na máy-roo ng laráwan ni Sam-Pédro na milagróso. Ang laráwa ng itò ni Sam-Pédro ay nakìkipagúsap sa manga táo at naghàhátol nang sarì-sári ng paraàn úpang makapások sa lángit. Iyùn ang kanya ng milágro.

Ang kapatìd ni Maryà ay nagsadyá agad-agàd sa báya ng kinàdòroonàn nang Sam-Pédro ng milagróso. Nang dumatìng sya roòn at nakìkipagúsap na syà kay Sam-Pédro, sinábi nya ang lahàt-lahàt. Sinábi nya ng ang sábi sa kanyà nang kanyà ng kapatìd ay ang kanya ng ginawà ng karamútan, kasakimàn, at kalupitàn ay sya nyà ng ikinahúlog sa infyèrno.

"Kung gayòn," ang wíkà ni Sam-Pédro, "humánap ka nang káhit íisa ng táo, háyop, o haláman na ginawaàn nang iyo ng kapatìd nang isà ng kabàítan. Kung ikàw ay makàkíta nà, bumalik kà ng mulí sa ákin, at bìbigyàn kità nang paraà ng ikahàhángo mo sa hírap sa iyo ng kapatìd."

Ang kapatìd ni Maryà ay umuwí agàd sa kanila ng báyan, at díto y nagusísà sya sa lahàt nang namàmáyan kung síno ang may útang na loòb sa kanya ng kapatìd o kayá kung síno ang kanya ng ginawàn o pinagsalitaàn nang mabúti. Dátapuwat káhit isà ay walà ng makasagòt. Ang manga háyop namàn sa manga kápit-báhay at sa bakúran ni Maryà ang kanya ng pinagusisà`, dátapuwat walá rin syà ng nàkíta na ginawaàn nang mabúti nang kanyà ng kapatìd.

Ang isa ng áso ng buto t balàt ay nagsábi sa kanyà: "Isa ng hápon akò y gutòm na gutòm. Nakádaan akò sa kanyà ng bakúran nang isa ng butò. Itò y kinagat kò at áki ng dinádala, nang màkíta nya akò. Ipinahábol nya akò ng agàd, at nang bitíwan ko ang butò itò y ipinabaon nyà sa lúpa`. Iyan bà y isa ng kabàítan?"

Lálu ng lumakì ang hápis nang kapatìd ni Mariyà at untì-untì ng nawáwalà ang kanya ng pagása na mahángo sa hírap ang kanya ng kapatìd. Inumpisahan nyà ng usisáin ang manga haláman sa bakúran nang kanya ng kapatìd. Inisa-isà nya ng lahàt ang manga kalabása, úpo, pipíno, síle, milòn, singkamàs, manè`, talòng, sítaw, at sibúyas, báwang, at iba pà ng gúlay. Sa kanilà y walá sya ng nàkíta nang kanya ng hinàhánap. Isinunòd namàn nyà ang manga púno-ng-káhoy. Siniyásat nya isà-isà ang manga púnò nang síko, anúnas, átis, mabúlo, súhà`, dalandàn, dáyap, at balúbad. Ngúnit walá ri ng nagìng katuturàn ang kanya ng págod; íisa na lámang pangkàt nang manga haláman ang hindí pa nya naùusísa`, at kung díto y hindí sya makàkíta nang kanya ng hánap, ay walá sya ng magágawà sa pagdudúsa nang kanya ng kapatìd. Nalíbot nya sila ng lahàt, dátapuwat walà ng nakapagsábi na tumanggàp sila nang isà ng gawà ng kabàítan sa kay Maryà.

Sa kàhuli-hulíhan pumaroòn ang kapatìd sa tabì nang balòn, at doòn inusísà nya ng lahàt ang manga damò. Nang dumatìng ang gabì ay íisa na lámang na púnu-ng-damò ang hindí nya naùusísa`. Itò y nilapítan nya na punò ng punú nang tákot at pagása.

Itinanùng nya sa púno nang damò na nàtàtanìm sa tabì nang balòn: "Nang nabùbúhay ba ang áki ng kapatìd, ay ginawàn ka nyà nang isà ng kabàítan?"

Isinagòt nang damò: "Ó! Ang iyo bà ng kapatìd? Siyà ngà`, siyà ang nagbigày sa ákin nang bágo ng búhay. Noò ng tagáraw na nagdaàn, lantà ng lanta nà ang áki ng manga dáhon at akò y malápit na ng mamatày, dátapuwat ang iyò ng kapatìd ay nalígo` isa ng hápon sa tabì nang balo ng itò. Sa kanya ng pagpalígo` ay nàwisikan akò nang túbig at dáhil díto y lumakàs ako ng mulì`, at ang manga lantà ku ng dáhon ay nanaríwa ng muli`."

Wala ng pagkàsyahàn ang naging tuwá nang kapatìd ni Maryà, at sa gabì ri ng iyòn ay nagbalìk sya kay Sam-Pédro. Binigyan syà ni Sam-Pédro nang isa ng dàsálan, at sinábi sa kanyà na umuwé sya at iláwit nya sa balòn ang dàsála ng iyòn. Tawágin nya si Maryà at pakapítin nya sa dàsálan, at dáhil díto y mahàhángù nya sa hírap ang kanya ng kapatìd.

Nagbalìk sya ng agàd at sumìsíkat pa lámang ang áraw nang sya y dumatìng sa bakúran ni nasíra ng Maryà. Lumápit sya sa balòn, inilawit nyà ang dàsálan, at tináwag nya ang kanya ng kapatìd. Itò y lumitàw sa ibábaw nang túbig at humáwak sa dàsálan. Inumpisahàn nang kanyà ng kapatìd ang paghátak sa dàsálan at sya y nátaas nà untì-untè`.

Sa paghángo ng itò sa kanyà ay máy-roo ng ibà ng káluluwa na íbig di ng makaalìs sa infyèrno. Kanyá silà y nagsikápit sa paà ni Maryà, nang màkíta nilà na itò y nahàhángù sa hírap. Dátapuwat nang ang paà ni Maryà ay sya na lámang nàlùlubòg sa túbig ang ginawá nya y ikinawàg nya ang dalawa ng paà, úpang ang manga káluluwa ng nàkàkápit sa kanyà ay mangàkabitàw.

Nang itù y gawin nyà ay napatìd ang dàsálan at agad-agàd sya ng lumubùg sa balòn, at mulá noon ay hindí nà sya nàkaúsap nang kanya ng kapatìd.

Bumalìk itò kay Sam-Pédro at ibinalíta` ang nangyáre, dátapuwat sinábe ni Sam-Pédro na walá na sila ng magágawa úpang mahángo sa infyèrno ang kanyà ng kapatìd.

22. TATLÒ NG KÁLULUWA NG TUMÁWAG KAY SAM-PÉDRO.

Si Hwàn ay isa ng bágu ng táwu ng makísig. Dátapuwat nang dumatìng sya sa gúlang na dalawa ng pù t dalawà, sya y nagkasakìt nang malubhà` at dí nalaúnan at namatày siyà. Ang kanya ng káluluwa ay naparoòn sa lángit at tumuktòk sa pintúan nitò.

Si Sam-Pédro ay sumagòt sa kanya ng pagtuktòk at itinanòng nitò: "Sínu ka? Anò ang sadyá mo ríto?"

Isinagòt nang káluluwa ni Hwàn: "Akò ang káluluwa ni Hwàn. Buksan mò ang pintò`, at íbig ko ng pumások."

Binuksàn nang bantay-pintò` ang pintúan, at bágu nya binayáa ng makapások ang káluluwa ni Hwàn ay sinyásat múna nya nang ganitò: "Ano ang dáhil at naparíto ka? Ano ang kabànála ng ginawá mo sa lúpa` at nagakálà ka ng nàbàbágay sa yò ang kaginhawáhan sa lángit? Ikàw bagà y may iníwa ng asáwa?"

Ang káluluwa ni Hwàn ay nagsábi: "Nang akò y nása lúpà pa, madalàs aku ng magsimbà, magdasàl, at maglimòs, dátapuwat hindí ako nagkapálad na magasáwa."

Isinagòt nang bantay-pintò`: "Hindí ka dápat magtamò nang kaginhawáhan sa lángit."

At pagkàsábi nya nitò ay isinara nyà ang pintò`. Ang káluluwa ni Hwàn ay hindí nakapások sa lángit.

Pagkaalìs ni Hwàn ay dumatìng namàn ang isa pa rì ng káluluwa.

"Sínu ka? At bákit mo gustò ng pumások sa lángit? Ikaw bà y nagasáwa nang násàsa lúpà pà?" ang manga tanùng nang bantay-pintò`.

Isinagòt nang káluluwa: "Akù y ang káluluwa niy Andrès. Nagasáwa akò nang akò y násàsa lúpà pa. Buksan mò ang pintò` at íbig ko ng pumások."

Agad-agàd na binuksàn ni Sam-Pédro ang pintú nang lángit at pagkàkíta nya sa káluluwa niy Andrès ay sinábi nya: "Ó! Kàwáwa ng káluluwa! Sa mangà gáya mo nàtàtaàn at nàràrápat ang manga kaginhawáhan sa lángit. Pumásuk ka!"

Ang káluluwa ni Andrès ay tuwa ng twá at pumások sa masayà ng tàhánan.

Pagkásara nang pintò ay máy-roon na namà ng tumuktòk.

"Sínu ka?" ang tanong ulí nang bantày.

"Akò y ang káluluwa ni Mariyáno," ang sagòt nang tumuktòk.

"Bákit ka naparíto? Bákit ka nagakála ng marápat ka ng magtamò nang lángit? Ikàw bagà y nagasáwa nang násàsa lúpa ka pà?"

Sa manga tanùng na itò y isinagòt nang káluluwa ni Mariyáno: "Nang akò y násàsa lúpà pa madalàs akù ng magpamísa. Ang kalahátì nang yáman ko ay ibinigay kò sa simbáhan sa pagpapamísa at manga pagpapatugtòg nang kampána`. Ang nàipatúlus kò ng kandílà ay hindí mahìhíla nang tatlò ng kalabàw, at kung sa pagaasáwa namàn," idinugtung nyà, "akò y nagkaroòn nang dalawà. Nabáo akù at nagasáwa ng mulì`."

"Áki ng ikinalúlungkot ang hindí ko pagkaári ng papasúkin kità. Ang manga lóku ng gáya mo ay wala ng lugàr díto sa kahariyàn nang lángit."

At isinara nyà ang pintò`.

23. SI HWÀ NG BANGKÉRO.

Isa ng áraw isa ng Kastíla` ay napatátawìd kay Hwàn sa kanya ng bangkà` sa ibáyo nang ílog. Ang Kastíla ng sakay nyà ay marúnung magsalitá nang Tagálog. Kanyà`, nang silà y nàlàlayú na sa pasígan, ay nagumpisa syà nang pakikipagúsap kay Hwàn.

Ang Kastíla ng itò ay isa ng marúnong na táo, sigúro ng isa ng gurù ng balítà sa Espánya, at itò y nàpagkìkilála sa pagsasalitá nya kay Hwàn tungkùl sa heyugrafíya, aritmétika, at iba t ibà ng wíkà sa Ewrúpa.

Nang matápus ang kanya ng pagsasalità`, ay nagtanùng syà kay Hwàn nang ganitò: "Ikàw ba y nagáral nang hewgrafíya?"

"Hindí pò`," ang sagòt ni Hwàn,--at katunáya y uwalà ng mwàng si Hwàn, sapagkàt sya y lumakì sa hírap at sa gayò y panày na pagtatrabáho lámang ang pinagdàdaanan nyà ng búhay.

Ang Kastílà ay nàpagúlat sa sagòt ni Hwàn at sinábe niya ng agàd: "Dináramdam ko, kaybígan, ang hindí mu pagkáalam nang hewgrafíya, sapagkàt dáhil díto y pára ng nawalà` ang kalahátì nang iyo ng búhay."

Si Hwàn ay hindí kumibò` at patúluy dìn ang pagsagwàn.

Hindí nalaúnan at tumanùng namàn ang Kastíla`: "Nagáral ka bà nang aritmétika?"

"Hindí pò`," ang sagòt ni Hwàn.

"Kung gayòn, kaybígan, ay pára ng nawalá sa iyò ang ikápat na baháge nang iyo ng búhay."

Si Hwàn ay natákot nang kauntì`, sapagkàt hindí nya màpagkúro ang íbig sabíhin nang Kastíla`.

Sinábi nya sa kanya ng saríli: "Kàwáwà ka, Hwàn, walá nà ng nàtìtirà nang iyu ng búhay, kung hindí isa ng ikápat na partè lámang."

Nang ang bangká nila ay násàsa malálim na lugàr na nang ílog, at hábang ang Kastílà namàn ay pinagkùkúro ang malakì ng kamangmangàn nang manga táo ng trabahadùr sa Filipínas, si Hwàn ay tumanùng nang ganitò sa kanya ng sakày: "Marúnong pú ba kayo ng lumangòy?"

"Hindì`!" ang sagut agàd nang Kastíla`.

"Kung gayòn," ang sagot ni Hwàn, "ay hindí lámang pára kayù ng nawalàn nang boò ng inyo ng búhay, dátapwat nawalá na ngà ng túnay."

At sinabayàn nya itù nang pagtataòb nang bangkà ng sinàsakyan nilà. Si Hwàn ay lumangùy sa pasígan at ang Kastílà namàn ay tinangày nang ágos.

24. ANG KABÀÍTAN SA MANGA HÁYOP.

Isà ng gabì ng madilìm ay naglálakad si Hwàn sa manga kaparánga ng malaláyo` sa manga báyan. Sya y patúngo sa kanya ng báyan. Bágu sya makaratìng díto ay kinàkayilánga ng magdaàn sya sa manga ilàng na lugàr.

Isa ng gabì na sya y naglálakad sa ganitò ng lugàr biglá sya ng nàpagúlat sa pagdatìng nang isa ng púsa ng itìm na humúni at kinámot ang kanya ng paà. Ang ginawá nya y úbus-lakàs nya ng sinípa ang púsa`, at itò y nàpahitsà nang maláyo`. Ipinatúluy nya ang paglalakàd, dátapuwat hindí nalaúnan at nagbalìk na namàn sa kanyà ang púsa`. Lálu ng lumakì ang kanya ng gálit at sinípà nya ng mulì` ang púsa`. Inakálà nya ng ang púsa ng iyòn ay isà ng laruwàn nang tyának o asuwàng. Ipinatúluy nya ang paglákad. Hindí naluwatàn at ang púsa ng itèm ay nagbalìk na mulí sa kanyà. Ngayòn, sa lugàr nang sipáin nya ang púsa`, itò y hinawákan nyà at dinala nyà sa kanya ng bisìg, kanya ng hinagòd, at pinagtátapìk, at sinábi nya sa púsa`: "Mabaìt na púsà`, anò ang gusto mò? Sàsáma ka ba sa áki ng paglalakàd?" at ipinatúluy nyà ang kanyà ng paglákad.

Hindí nalaúnan at sya y sinumpòng nang antòk. Sa daàn ay máy nàkíta sya ng isa ng báhay, dátapuwat ang manga táo sa báyan ay may paniwála ng ingkantádo ang báhay na iyòn. Dátapuwat walà ng iba ng màtulúgan si Hwàn, kaniyà` ang ginawá nya y pumanhik syà sa báhay úpang doòn matúlog.

Sya y náhimbìng, dátapuwat nang naghàháti-ng-gabi nà ay nágising sya sa kàluskúsan nang manga dagà`. Ang ginawá nya y pinagsisipá nya at pinagdadagukàn ang manga dagà` úpang kanya ng patayìn o kayà y palayásin. Dátapuwat ang manga dagà` ay dumámi nang dumámi hanggàng sa napunò` ang kuwàrto at sya y kanilà ng pinagkakagàt.

Ang ginawá ni Hwàn ay kinúha nya ang kanya ng púsa ng itìm at sinábi nya ríto ng patain nyà ang manga dagà`. Ang púsà` ay ngumiyàw at inumpisahàn ang paghábol sa manga dagà`. Malakì ang nagìng tákot nang manga dagà`, at ang manga hindí nápatay nang púsa ay nagsipagtakbò sa kaní-kanilà ng lunggà`. Nang màkíta ni Hwàn na walá na ng nàtìtirà sa manga dagà kung hindí dádalawa lámang, ay pinapaghintú nya ang púsa`. Kanya ng hinúli ang dalawa ng dagà` at kanya ng inámo` at inakálà nya ng isáma rìn silà na gáya nang púsà sa kanya ng paglalakàd.

Kinàbukásan ay ipinatúluy nya ang kanya ng paglalakàd. Inabútan sya nang gabè sa isa ng lugàr na wala ng báhay, kanyá ang ginawá nya y ipinatúluy nya ang paglalakàd papuntà sa isa ng báhay na árì nang isa ng matandà`. Nagkátaon namàn na ang matanda ng itò y isà ng engkantadòr. Pinatúluy nya si Hwàn at pinatúlog nya sa isa ng silìd. Si Hwàn ay natúlog nang walà ng paghihinálà nang anu màn.

Dátapuwat, nang mágising syà kinàbukásan, ay nàpagúlat sya at natákot nang màkíta nya ng sya y nàkùkulòng sa isa ng kahòn na walà ng bùkásan. Pinagsipá nya ang manga dingdìng nang kahòn, dátapuwat walá sya ng magawà`, itò y hindí nya mabuksàn. Malakì ang kanya ng pagdadalamháte` at walá sya ng màláma ng gawìn, nang màalaála nya ng sya y may kasáma ng isà ng púsa at dalawà ng dagá sa kanya ng kùlúngan. Kinúha nya ang dalawa ng dagà`, inamù-amú nya, at sinábi nya ng bumútas silà sa kahò ng kanila ng kinàkùkulungàn. Ang manga dagà ay nagumpisà nang pagkagàt sa tablà at untì-untí sila ng nakagawá nang húkay sa makapàl na tablà, hanggàng sa itò y nabútas. Nang makabútas na silà ay bumalìk silà ng mulí kay Hwàn at si Hwàn namàn ay pinabútas silà ng mulì` sa dindìng nang kùlúngan. Sa paguúlit-úlit nang kanila ng paggawá nang manga bútas, sa kalaúnan ay nakagawá silà nang isà ng malaki ng bútas, at si Hwàn ay nakawalà`.

Ang matandà ay hinánap ni Hwàn, dátapuwat itò y hindí nya màkíta káhit saàn. Kanyà ipinatúluy nyà ang pagwè`, at doòn nang dumatìng sya ay ipinamalítà nya ang malakì ng serbísyo na ginawá sa kanyà nang kanya ng tatlò ng kaybíga ng isà ng púsa` at dalawa ng dagà`.

25. SI HWÀ NG MANGDUDÚKIT.

Nàbása ku sa isa ng nobéla ng Kastíla` na ang pamagàt ay "La tùmba de yèrro" ang sumúsunòd.

Si Hwàn ay isa ng báta ng lilimáhi ng taòn, anàk nang isà ng kasamà nang mayáma ng si Andrès. Si Hwàn mulá pa sa pagkabátà` ay pípe, dátapuwat hindì` bingè. Gayon dìn ang pagkapípe nya ay hindí malubhà`, sapagkàt kadalasàn sya y nakasísigàw, dátapuwat hindí ngà` lámang gáya nang tinìg nang karanyúwa ng báta` ang sa kanyà.

Isa ng gabì si Andrès ay dumálaw sa báhay nang kanyà ng kasamà na ama ni Hwàn, at sa kanya ng pagdálaw na ytò y isináma nya ang kanya ng anàk na babáye, lilimáhin dì ng taòn ang gúlang. Káhit na pípe si Hwàn ay nakipagkayibígan sya sa anàk nang kanya ng panginoòn, at silà ng dalawà y nagsipaglarò` hábang ang kanilà ng manga amà ay nagsàsàlitáan nang tungkòl sa pananìm. Ipinakíta nya kay Maryà (na sya ng pangálan nang kanya ng kalarò`) ang manga larwan nyà na gawá nang kanya ng saríli ng kamày at talíno.

Ang kanya ng manga laruwàn ay sarì-sári ng mukhá nang táo na ginawá nya at nayàyárì nang pútik. Marámi rin díto ang manga buò ng táo na may sarì-sári ng anyò`. Ang ibà y nagtátanìm, ang ibà y nagsásayàw, ang ibà y nakahigà`, at gayon dìn may manga nagbúbunò`, nagtàtakbúhan, at iba t iba pà ng anyò`. Gayon dìn máy manga háyop syà; ang ibà y nayàyárì nang pútek at ang ibà y nayàyári nang káhoy.

Tumálik ang pagkakaybígan nang dalawa ng báta` at nàwíli sila sa paglalarò`. Nang makatápus nà ang kanila ng amà sa pagsasàlitáan ay tináwag ni Andrès si Maryà úpang umwí na silà, dátapuwat niyáyà múna ni Maryà ang kanya ng amà sa lugàr na kinàlàlagyàn nang manga larwàn ni Hwàn, at úpang itò y màkíta nyà. Nang màmasdan ny Andrès ang manga larwa ng yòn ay nàpagúlat sya sa lakì nang talíno na ipinakìkilála nang dumúkit sa manga tao-taóha ng iyòn. Sinábi ny Andrès sa ama ni Hwàn na itò y matalíno at dápat ipadalà sa pàaralàn. Dátapwat isinagòt nang ama ni Hwàn na syà y wala ng kwàrta úpang ipapagáral kay Hwàn.

"Kung gayòn," sinábi ni Andrès, "ay akò ang ùúpa sa mayèstro. Búkas ay páparoon sa ámi ng báhay ang gurò ni Maryà. Sya y papagtùtuluyìn ku díto sa iyò, úpang umpisahàn nya ang pagtutúro` at pagbubukàs nang ísip ni Hwàn."

Napasalámat nang marámi ng marámi ang ama ni Hwàn at silà y naghiwalày. Malakì ang ikinalungkòt ni Hwàn nang umalis nà ang kanyà ng kalarò`.

Mulá sa áraw na itò kadalasàn si Hwàn ay ipinasúsundò nang ama ni Maryà úpang doòn siyà sa kanya ng báhay makipaglarò` kay Maryà.

Isa ng hápon na silà ng dalawà y naglálaro sa hàlamanan nang maláwak na bakúran ni Andrès ay nagdaà ng lumílipàd sa tabì nang dalawa ng báta` ang isa ng paruparò. Itò y kanila ng hinábol. Nàùunà si Maryà at sumúsunòd si Hwàn. Sa pagtatakbò nilà ay nahúlog si Maryà sa isa ng sápa ng mabábaw na pàbyáyan nang manga isdà` niy Andrès. Si Hwàn ay nàpasigàw nang malakàs at pagsigàw nya ng itò y napatiràn sya nang lamàn sa lalamúnan at nagdudugò` ang kanya ng bibìg. Hindí nya itò inalintána at tumalòn din sya sa sápa` úpang iligtàs si Maryà sa pagkalúnod. Sa kababáwan nang sápa` ay hindí nangalúnod ang dalawà ng báta`, dátapuwat siniglàn lámang si Maryà nang malaki ng tákot na sya nyà ng ipinaghimatày nang násàsa túbig na syà. Kanyà` ang ginawá ni Hwàn ay hinawákan nya si Maryà sa likòd at itinaas nyà úpang hwàg makáinom nang túbig, hábang syà ay nàsìsísid sa túbig. Ganitò ang anyú nila nang màdatnan silà nang isa ng alíla ny Andrès at silà y hinángo sa sápà`. Malakì ang pagkàgúlat niy Andrès at malakì ang naging twà` nang ama ni Hwàn nang si Hwàn ay márinig nila ng magsalità` at ibalítà sa kanilà ang nangyári.

Dáhil sa pagsasalitá ni Hwàn ay lálu ng lumakàs ang kanya ng pagsúlong sa pagaáral, at gayon dìn lálu ng tumálik ang pagkakaybígan nila ni Maryà. Dumatìng ang áraw na sinábi nang gurú nya na sya y dápat lumípat nang báyan úpang ipatúluy ang pagaáral, sapagkàt sya y walá na ng màitúro sa kanyà. Itò y sinábi rin nyà kay Andrès. Ang ginawá ny Andrès ay ipinadalà si Hwàn sa isa ng eskwèlhan nang pangdudúkit, at díto sya nagáral na may ánim na taòn.

Si Hwàn at si Maryà ay nagsilakì at ang kanila ng pagkakaybígan ay nagìng pagiìbígan. Twì ng bakasyòn ay umuwè` si Hwàn sa kanilà ng báhay sa búkid ni Andrès at doòn sya nagpàpalípas nang áraw sa píling ni Mariyà.

Dumatìng ang isa ng áraw nang pagtatanyágan nang manga dinúkit nang manga artísta, at dáhil díto y pinagarálan ni Hwàn ang isa ng áyos na kanya ng dápat dukítin parà sa áraw na itò. Ang manálo sa manga kasále ay bìbigyàn nang isa ng ganti ng pálà na may malaki ng kasáma ng kwàlta, bukòd sa pagdiríwang sa karàngálan nang mànanalò. May isà ng taò ng nagtrabáho si Hwàn sa kanya ng kumpusisyòn.

Dumatìng ang áraw nang pagtatanyàg nang manga dinúkit. Si Hwàn, ang kanya ng amà, si Andrès, at si Maryà ay naparoòn sa báhay na kinàdòroonàn nang manga dinúkit. Lubhà ng marámi ang manga táo, dátapuwat ang pinagkàkalipumpunàn nilà ay ang dinúkit ni Hwàn. Si Maryà ay nápaiyàk sa twà` sa gandà nang dinúkit ni Hwàn. Si Andrès namàn ay walà ng màláma ng sabíhin sa pagpúri. Dumatìng ang óras nang pagpapaháyag nang manga hukòm kung síno ang nanálo, at ang dinúkit ni Hwàn ay sya ng binanggìt na nakakúha nang gantì ng pála`.

Itò y isa ng grúpo ng máy-roo ng isa ng babáye ng nakatindìg. Ang kaliwà ng kamày ay may háwak na isa ng sulò` at ang kánan namàn ay isa ng koróna ng dáhon. Sa banda ng kánan nang babáe at sa ilálim nang koróna ng olíva ay may isà ng bináta ng nàlùluhod ang kána ng paà. Sa kanya ng kaliwà` ay may háwak sya ng librò at sa kánan ay isa ng pamukpòk. Sa kanilà ng paánan ay nàsàsábug ang iba t iba ng kasangkápan nang isa ng nagàáral.

Nang silà y umuwè` ipinagtapàt nang dalawa ng nagkàkàibígan sa kanila ng manga magúlang ang kanila ng líhim. Ang ama ni Hwàn ay nalungkòt lámang, sapagkàt nàlàláman nya na ang pagkakasàl sa kanila ng dalawà ay hindí maàári`, sapagkàt ang kanila ng lagày ay gáya nang sa isa ng busábos o alípin at isa ng panginoòn o háre`. Pagkáalam ni Andrès sa bágay na itò ay siniglàn sya nang malaki ng gálit. Ipinatáwag nya si Hwàn at kanya ng minúra. Sinábi nya ng sya y walà ng hyà` at hindí marúnong tumanàw nang útang na loòb, hindí marúnong kumilála sa nagparúnong sa kanyà, at sinábi nya ng hindí sya maàári ng màpakasàl kay Mariyà. Dáhil díto y sya y umalìs agad-agàd na walà ng nakààalàm káhit síno nang kanya ng patùtungúhan.

Nagdaàn ang limà o ánim na taòn at si Hwàn sa kanya ng pangdudúkit ay káylan ma y hindí nalìlimútan si Maryà.

Si Mariyà namàn ay nagpalípas nang ánim na tao ng itò sa kanya ng báhay. Nàlùlugmok syà hábang panahòn sa isa ng malálim na kalungkútan at tuwí na y si Hwàn ang kanya ng nààalaála. Si Maryà y nagkasakìt nang malubhà` at malápit na ng mamámatày.

Ipináyu nang manggagámot nya kay Andrès na, kung íbig nya ng máligtas ang kanya ng anàk, ay sundìn nya ang gusto nitò tungkòl sa pagaasáwa kay Hwàn. Dátapuwat nang pumáyag siy Andrès ay lubhà ng huli nà. Palalá nang palalà` ang sakìt ni Maryà, at si Hwàn namàn ay hindí nya nàlàláman kung saàn ang kinàdòroonàn. Marámi sya ng inutúsan sa malalaki ng báyan úpang hanápin si Hwàn, dátapuwat nakaraan nà ang marámi ng áraw ay walá pa ng nagkapálad káhit isà sa kanilà na makátagpò` kay Hwàn.

Sa kalaúnan ang isa sa kanilà y nàtagpuan itò sa báya-ng-Kamálig sa kanya ng gàwáan. Nang màbalitáan nya na ipinasúsundo syà ni Andrès úpang ipakasàl sila ng dalawà ni Maryà, ay lubhà ng malakì ang kanyà ng naging twà`. Dátapuwat gayon dìn malakì ang kanya ng tákot na baká hindí nya abúta ng buhày ang kanya ng inìíbig. Sya y matúli ng matúli ng umwè` at nang dumatìng sya sa báhay niy Andrès ay nàkíta nya doòn ang butò t balàt na pangangatawàn ni Maryà nàlàlátag sa kanya ng hihigàn. Nang sandalí ri ng iyòn ay nagpasundú si Andrès nang isa ng páre`, at si Hwàn at si Maryà y ipinakasàl. Hábang ang pagkakasàl ay idinàdaos nang páre` ang hiningà namàn ni Maryà ay pumàpánaw. Nang mákasal na silà ay nagkaroòn lámang si Hwàn nang panahò ng mahagkàn ang kanya ng asáwa, at itò y pinanáwan nang hiningà na ang mukhá y masayà at nàngìngitì ang bibìg.

26. SI MARKÍTA.

Si Markíta ay isà ng dalága ng mabaìt at magandà, dátapuwat mahírap. Sya y máy-roo ng isa ng nóbyo na mahírap dìn, dátapuwat may empléyo sa gobyèrno sa Mayníla` at máy-roo ng mabúti ng swèldo.

Si Markíta ay máy-roo ng isa ng kápit-báhay na mayáman. Ang báhay ay tablà, at yéro ang bubungàn, malápad ang kanya ng bukirìn. Ang kápit-báhay na ytò y malakì ang pagkágusto kay Markíta, dátapuwat hindí nátin màsàsábe kung túnay ang kanya ng pagíbig, sapagkàt maluwàg ang kanya ng tornílyo. Lahàt nang pagsúyo` ay ginawá nya kay Markíta, dátapuwat si Markíta y isa ng dalága ng hindí sa-lawáhan ang loòb, at ang lahàt nang kanya ng pagsúyo` ay hindí pinansìn.

Sa kalakhàn nang pagíbig nang manglilígaw na si Markíta ay mápasa kanyà, ang ginawá nya y gumámit nang lakàs. Isa ng hápon pumások sa bakúran nila Markíta at nagkubli syà sa isa ng púno-ng-ságing. Nang hápu ng yoòn ay nagkátaon namà ng ang bakúran nilà Markíta ay marumì. Kanyà itò y nanáog at niwalisàn ang bakúran. Pagkátabi nyà sa púno-ng-ságing na pinagkùkublihàn nang laláke, itò y lumápit pagdáka, tinangnàn sya sa kamày at kanyà sya hinagkàn.

Nàlàláman na ninyò na sa manga mahihinhì ng táo doòn sa átin ang isa ng halìk ay isa ng malakì ng kasiraàn nang púri. Dáhil díto nang si Markíta ay pumanhìk sa báhay na umíiyàk, at nang màláman nang kanya ng manga magúlang na syà y tinampalásan o hinagkàn nang laláki ng iyòn, inakálà nila na walà ng iba ng pangtakìp sa kasiraà-ng-púri ng itò kung hindí ang ipakasàl nilà sa laláki ng iyòn ang kanilà ng anàk na si Markíta. Káhit anò ng pagayàw ang ginawá ni Markíta at káhit na nàlàláman nilà na itò y may kaìbígan, ay kanila rì ng ipinatúloy ang pagkakasàl.

Comments

Log in to leave a comment.

Tagalog Texts with Grammatical AnalysisChapter III: Preface (2)

0%37 min left in chapter