Skip to content

Chapter IV: Preface (3)

Text size

Si Markíta ay isa ng báta ng lubhà ng masùnúrin sa kanya ng manga magúlang, kanyá hindí sya makasuwày nang tòtohánan ngayòn. Ang ginawá na lámang niyà ay isinúlat nya sa kanya ng nóvyo ang manga nangyári at mangyàyári at sinábi nya ng ang magíging pagkakasàl sa kanyà ay isa lámang pagsunòd sa manga magúlang at siya rìn ay kanya ng inìíbig. Sa manga magúlang namàn ni Markíta ay kanya ng sinábi na sya ay hindí nila pakìkinabángan, sapagkàt ang pagkakasàl nya sa táu ng kanya ng kinabùbuwisítan ay kanyà ng ikamámatay na madalì`.

Ikinasàl silà. Hindí nalaúnan at inapuyàn si Markíta nang lagnàt. Mulá sa áraw nang kanya ng pagkakasàl ay hindí sya makakáin nang káhit anò, at áraw-gabì sya y lumùlúha`. Ang manga magagalìng na médiko sa báyan, ang lahàt nang yáman nang kanya ng asáwa, at ang lahàt nang manga panalángin nang kanya ng manga magúlang ay hindí makapagligtàs sa kanyà sa kamàtáyan. Pagkaraàn nang pitù ng áraw nang kanya ng pagkákasàl ay sya y namatày. Itò y nagìng malakì ng kalungkútan nang kanya ng nagìng nóbyo at isa ng nakatúlong sa nagìng kasawià-ng-pálad nitò sa kanya ng búhay na dumatìng.

27. ANG MANGMÀNG NA PÁRE`.

Sa báya-ng-Balíwag ay máy nàdistíno ng isa ng pári ng wala ng muwàng káhit anu màn. Hinìhinála` nang manga táo na syà y isa ng sakatéro lámang sa Espánya na nápadpad doòn at idinistíno sa kanilà ng báyan úpang magkaroòn nang swèldo at sa gayò y máligtas sa pagkamatày nang gútom. Linggo-linggò syà y nagmìmísa, dátapwat ang manga nakíkinig nang mísa ay wala ng márinig sa kanyà kung hindì` ang salità ng "Mísa, mísa, mísa," at iba pà. Papasí-pasyal sa harapàn nang altàr; kung mínsan ay humáharap sa manga táo, pinagdódoop ang kamày, at sa lahàt nang pagkílos nya ng itò y wala ng patìd nya ng sinàsábi ang "Mísa, mísa, mísa," at iba pà.

Ang manga táo y nagálit at ipinagsumbòng sya sa arsubìspo. Ang sagòt nang arsubìspo ay páparoon sya ng isà ng linggò at makíkinig nang mísa, úpang màkíta kung túnay ngà` ang sumbong nilà.

Dumatìng doòn ang arsubìspo. Sa kanyà y sinábi nang pári` na sya y hindí makapagmísa, sapagkàt ang manga ulòl na táo ay nagààlísan sa simbáhan paguumpisà nya nang mísa.

"Búkas," sinábi pa nyà, "ay màmàmasdàn ninyò ang kanila ng pagtatakbúhan sa pagbebendisyòn ko pa lámang."

Kinàbukásan ay linggò at sa pagmimísa nya ay háharap ang arsubìspo. Umísip sya nang paraàn nang pagliligtàs sa kanya ng saríle. Kanyà`, bágu sya nagumpisà nang pagmimísa ay nagpakuló sya nang langìs. Hábang sya y nagbìbíhis ang manga táo namàn at ang arsubìspo ay nàùupú na sa simbáhan. Ang arsubìspo ay malápit sa altàr at hábang sya y nagbìbíhis ang langìs namàn ay kasalukúya ng kumúkulò`. Nang makapagbíhis na syà ay ibinúhus nya sa lalagyàn nang túbig na bendíta ang kumúkulu ng langìs. Ang ugálì nya ay magbendisyòn múna bágu magmísa, kanyà` pagpások nya sa simbáhan ay sya nyà ng iniwisìk sa manga táo ang kumúkulu ng langìs sa lugàr nang àgwa-bendíta. Ang manga táo ng dinapúan nang maiínit na patàk nang langìs ay nagsipagtindìg at úbus-làkása ng nagsipagtakbúhan papalabàs sa simbáhan. Nang màkíta itò nang arsubìspo ay hindí nya ipinatulòy ang pagmimísa sa áraw na iyòn, sapagkàt wala ng nátira sa simbáhan ní isa màn sa manga táo.

Sinábi nang arsubìspo sa párì` na sya y hindí mààalìs sa báya ng iyòn at hindí na nyà pàpansinìn ang anu mà ng ipagsumbòng nang manga táo.

28. ANG PÀKUMPISÁLAN.

Si Párì Mundò ay sya ng nàdistínu ng ilà ng taòn sa báya-ng-Marikína. Sya y isa ng táo ng maibigìn sa pagliliwalìw. Sa pagtupàd sa kanya ng manga tungkúlin sya y hindí nagkùkúlang káylan màn. Araw-áraw sya y nagmìmísa at kung linggò ay makálawa sya ng magmísa. Gayon dìn sya y nagbíbinyàg nang manga báta`, nagbèbendisyòn nang patày, nagháhatid nang biyátiko, nagpàpakumpisàl, at nagpakinábang. Ang lahàt nang kanyà ng tungkúlin ay sinúsunod nyà ng mabúte, dátapuwat ang pagpapakumpisàl ay nilalúan nya nang kauntì`. Sa ganà ng kanyà sigúro ng itò y mabúte úpang pauntiìn ang manga kasalánan nang kanya ng kinúkumpisàl, dátapuwat sa ibà sa kanya ng manga kinúkumpisal itò y may nagìng masamà ng dúlo.

Mínsan máy-ro ng isà ng babái ng dalága na mapagsimbà at mapagkumpisàl. Nang dumatìng ang dalága ng itò sa dalawa ng pù ng taòn ang gúlang ay iníwan na nyà ang kabànála ng pagkukumpisàl, gayon dìn bihíra ng magsimbà. Nang mínsan usisáin ang babáye ng itò ay nagsábi nang ganitò:

"Noo ng úna ang boò ng akálà ko si Párì Mundò ay isa ng sànto, dátapwat ngayò y nàpagkìkilála nang marámi na sya y isa ng buwísit na táo. Kung bahà` at ang manga táo y nagsìsipamangkà` sa bahà`, sya y sa bangkà` nang manga babáe nakíkisakày at hindí sa manga laláki. Kung umága pagkamísa nya ay màkìkíta na sya ng nakatalungkò sa kanya ng pátyo na ang ábito y nagùgúmun sa lúpa` at sya y humàhágod nang manòk kaharàp nang ibà ng sabungéro.

"Noo ng úna akò y madalàs magkumpisàl sa kanyà, dátapwat dumatìng ang isa ng áraw na panày na kaululàn lámang ang ipagtatanòng nya sa ákin sa kumpìsálan. Súkat ba ng itinanòng nya sa ákin kung ilàn ang manlilígaw sa ákin, kung síno ang áki ng inìíbig, at kung saàn akò makìkipagtagpò`? Sa loob-loòb ku lámang ay nàpakawala-ng-hyà` ang pári ng itò. Kanyà` iníwan ku sya agàd sa kumpìsálan at mulá noon ay hindí na akò nangumpisàl."

29. SI HWÀ NG BÍBAS.

Si Hwàn ay isa táo ng mapaggawá nang kaululàn, dátapuwat itò y hindí nya sinásadyà` úpang magpagálit nang kápwa táo, kung hindí yon ay talagà ng sya nyà ng ugáli` na átas sa kanya nang kanya ng pagiísip.

Mínsan sya y naparòn sa fiyèsta nang isa ng báyan. May pasàn sya ng tatlò ng biìk, úpang ipagbilè sa báyan. Nang sya y dumating nà, nàkíta nya sa pátyo nang simbáhan ang marámi ng táo ng nalìlípon at nakíkinìg nang biníbigkas na talumpáti` nang kápitan sa báyan. Masikìp ang pagkakátayo nang manga táo, dátapwat sya y nálapit dìn sa paanàn nang entabládo na kinàtàtayuàn nang nagtàtalumpáti`. Hábang nakìkipagsiksíkan syà, ang tatlò ng biìk ay wala ng lubày nang pagyàk. Nang syà y makarating nà sa harapàn nang kápitan, tinúkup nya ang manga bibìg, úpang silà y patahanìn, dátapwat walá sya ng magawà`. Náino nang kápitan ang manga ìyákan nang biìk at tiningnan nyà kung síno ang máy dala doòn nang manga biìk.

Nang màkíta nya si Hwàn ay sinábi nya ang ganítò: "Huwán! Anò ang gustu mò ng sabíhin sa pagpapaiyàk mo díto nang iyo ng manga biìk? Lumáyas ka ngayon dìn, at hwag kà ng makàtuntong-tuntòng káylan màn sa lúpa-ng-Bùstos!"

Si Hwàn ay umalìs at umwè` sa kanya ng báyan sa San-Ildepònso. Nakaraàn ang isa ng taòn at dumatìng na mulì` ang fyèsta sa báyan nang Bùstos. Iníbig ni Hwàn na pumaroòn, dátapuwat nàalaála nya na tinangáan sya nang kápitan sa báya ng iyòn na, pag sya y nàkíta ng mulì` sa lúpa-ng-Bùstos, ay sya y ipabíbilanggò` at pahìhirápan. Umísip si Hwàn nang paraàn úpang makaparòn.

Nang dumatìng ang fiyèsta ay máy-roo ng isà ng mísa ng malakì na dinaluhàn nang líbo-líbo ng táo. Si Hwàn ay isà sa manga táo ng itò at syà ang nàpàpansìn nang marámi ng táo, dahilàn sa anyò nang pagkálagay nyà doòn sa loòb nang simbáhan. Dí nalaúnan at isà sa manga táo ng nagmámasid sa kanyà ay nagsumbùng sa kápitan at sinábi na si Hwàn ay násàsa loòb nang simbáhan at nakasakày sa isa ng karéta na hinìhíla nang kalabàw, at ang lahàt, karéta, kalabàw, at si Hwàn ay násàsa loòb nang simbáhan. Si Hwàn ay hindí nanànáog sa karéta ng kanya ng tinùtuntungàn.

Pumarùn ang kápitan sa simbáhan úpang hulíhin si Hwàn. Nang málapit syà díto ay sinábi nyà: "Huwán! Sumunòd ka sa ákin at ibíbilanggú kità. Hindí ba sinábi ko nà sa iyò t hwàg kà ng tútuntong nang lúpa-ng-Bùstos?"

Isinagòt namàn ni Hwàn: "Ginoò ng Kápitan! Sinábi ngà` po ninyò sa ákin iyàn. Kanyà` akò y hindí makaalìs sa áki ng karéta. Nàkìkíta pú ba ninyò itò ng lúpa ng lúlan nang áki ng karéta at sya kò ng tinùtuntungàn? Ito pò` ay hindè lúpa-ng-Bùstos kung hindí lúpa-ng-San-Ildepònso. Doòn ko pò` sa áki ng báyan kinúha ang lúpa ng itò."

Pagkàsábi ni Hwàn nitò ay hindí nàpigílan nang kápitan ang pagtáwa, at sinábi na lámang nya sa kanya ng saríli na syà y wala ng magágawa kay Hwàn, sapagkàt itò y nása katwíran.

30. TATLÒ NG MAGKAKAYBÍGA NG MAGNANÁKAW.

Si Hwàn, si Andrès, at si Dyégo ay tatlò ng magagalìng na magnanákaw. Silà y balíta ng balíta`, at marámi ng táo ang nagsìsihúle sa kanilà, dátapuwat sa galìng nilà nang pangingílag at pagnanákaw ay hindí sila màhúle. Ang tatlò ng itù y nagtìpána ng mínsan na magtatagpò` sila sa isa ng lugàr na tahímik at líhim úpang pagusápan nilà ang kanilà ng pamumúhay at manga mabubúti ng bágo ng paraàn nang pagnanákaw. Silà ng tatlò ay nabùbúhay sa pagnanákaw lámang. Ní isa màn sa kanilà ay walà ng paghahánap na mabúte. Mulá pa sa pagkabátà` ay ganito nà ang kanila ng pamumúhay, kanyà` silà y nagìng matalíno at lubhà ng makínis sa gawa ng itò.

Nang dumatìng ang áraw nang kanilà ng tìpánan, madali ng áraw pa lámang ay nàròroòn na silà. Malakì ng pamamalíta` nang báwat isà at hindí magkàmáyaw ang kanila ng pagbabàlitaàn.

Itinanòng ni Hwàn kay Dyégo: "Gánu ka na bà kakínis ngayòn sa áti ng trabáho?"

"Sa damdam kò," ang sagòt ni Dyégo, "ay akò ang pinakamakínis sa áti ng tatlò, sapagkàt akò y nakapagnànákaw nang manga itlòg na hinàhalimhimàn nang manòk na hindí nàlàláman nitò. At hindí itu lámang," idinugtung nyà, "ang manga háyop màn na mababagsìk ay nànànakáwan ku nang kanila ng inakày nang walá sila ng málay."

"Ganyàn ba lámang ang kínis mo?" isinabàd pagdáka ni Andrès, "Akò ay nakapagnànákaw sa háyop at gayon dìn sa táo. Ang manga aláhas nang táo na íbig ko ng nakáwin ay ninànákaw ko, káhit na natùtúlog o naglálakad ang may áre`. Mínsan ay ninákaw ko ang isa ng singsìng na hinìhigàn nang may ári` úpang hwag mànákaw, dátapwat itò y nànákaw ko nang walá sya ng málay."

"Ganyàn ba lámang ang kínis ninyò?" itinanùng ni Hwàn, "Walá sa kalahátì nang kínis ko sa pagnanákaw ang inyù ng manga nagágawà`. Akò y nakapagnànákaw nang táo mìsmo at hindí nang kanila lámang na manga pagaáre`."

Nàpagúlat ang dalawà nya ng kaúsap, sapagkàt hindí nila inakála ng ang isa ng táo ng buhày ay maàári ng mànákaw nang hindí nito nàlàláman, at úpang subúkan nilà ang galìng ni Hwàn ay nakipagpustáhan silà ng dalawà kay Hwàn. Sinábi nilà ng nakáwin nya ang párì` sa báyan at ihatid nyà sa lugàr na kanila ng kinàdòroonàn ngayòn. Kung itù y magawá nya, bàbayáran sya ni Andrès at ni Dyégo nang limà ng daà ng píso. Dátapuwat kung hindí nya magawà`, bàbayáran nya si Andrès at si Dyégo nang isa ng daà ng píso. Umáyon si Hwàn sa pustáha ng itò at silà y naghiwá-hiwalày.

Si Hwàn ay napatúngu sa báyan at pinakibalitáan nya kung saàn nàtìtirà ang párè`. Nang màláman nya itò ay nagisìp sya nang paraà ng gágawin nyà na pagnákaw sa párè`. Sya y pumásuk na alíla` sa pári ng itò. Sa kanya ng pagkàpaalíla ng itò ay nàkilála nya ang manga ugáli nang páre`. Isà sa kanya ng ugáli` na hindí nabàbáli` káylan màn ay ang pagdadasàl nang rosáriyo sa harapàn nang isa ng poòn. Ang poò ng itò ay nayàyárì nang káhoy, at itò y si Sang-Hwàn. Ang lakì nang poò ng itò ay kasingpantày nang isa ng táo.

Ang ginawá ni Hwàn ay nagpagawá sya sa isa ng mandurúkit nang isa ng poò ng gáya rin nitò, dátapuwat hukày at wala ng lamàn ang loòb. Ang bútas na itò sa loòb nang katawàn nang poò ng itò ay maàári ng sootàn nang isa ng táo. Nang mayárì na ang poò ng pagawá ni Hwàn, ay pinalitan nyà ang poò ng si Sang-Hwàn na túnay naárì nang párè`.

Isa ng hápun bágu dumatìng ang orasyòn ay kumúha sya nang isa ng sáko nang bigàs at napaloòb sya sa loòb nang sànto ng ipinagawá nya. Pagkahápon nang párì` itò y pumaroòn sa kwàrto ng kanya ng pinagdàdasalàn úpang magrosáryo. Nang magkákalahatí na ang kanya ng pagdadasàl at kátaon namà ng nangàngáwit na si Hwàn sa pagkátayò`, ay nagsalità ito: "Ihintú mu nà, Párì Lúkas, ang iyo ng pagdadasàl. Ako y pinàparíto sa iyò úpang ihatìd kità sa lángit."

Nang úna ay siniglàn nang tákot ang páre`, dátapuwat inakálà nya ng ang kanya ng poòn ay nagmìmilágro at totoo ngà ng sinúsundú sya úpang ihatìd sa kalangitàn.

Sa kanyà ng hindí pagkibò` ay nagsalità ng mulí si Hwàn nang ganitò: "Marámi nà ang kabànála ng iyù ng ginawà`. Matagàl ka nang namùmúhay nang mabába`, at dáhil díto y nàtàtaàn sa iyò ang lahàt nang kaginhawáhan sa lángit. Sumáma ka sa ákin at iháhatid kità."

Isinagòt nang páre`: "Papáno ang gàgawin kò ng pagsáma sa iyò? Akù y matandá na at hindí ako makalàlákad mulà díto sa lúpa` hanggàng sa lángit."

Isinagòt namàn ni Hwàn: "Yòn ay hwag mù ng alalahánin. Máy-ron ako ng isa ng sáko. Sumilìd ka díto at pàpasanin kità sa pagpuntà sa lángit."

At pagkàsábi nya nitò y iniladlad nyà ang sáko nang bigàs. Pagkásilid nang páre` ay tinalía ng mahigpìt ni Hwàn ang sáko. Lumabàs sya sa loòb nang poòn at pinasan nyà si Párì Lúkas patúngo sa báhay na kanya ng pinagtipanàn sa dalawa ng kaybígan. Tiwalà ng tiwalá si Párì Lúkas na sya y papuntà sa lángit, kanyà` walá sya ng kibò` sa loòb nang sáko.

Dátapwat, nang nagbàbátis na si Hwàn sa isa ng mabábaw na ílog, ay inakálà nya ng sya y nàlòlóko lámang at hindí sa lángit ang punta nilà.

Kanyà itinanùng nya kay Hwàn: "Anu ng ílog itò, at bákit táyo dápat tumawìd nang ílog sa pagpuntà sa lángit?"

Isinagòt ni Hwàn: "Sssst! Hwag kà ng maíngay! Itò y ílog nang Hòrdan."

Ang párì ay nagtahàn nang pagsasalità`. Ipinatúloy ni Hwàn ang paglákad.

Nang sya y pumápanhik nà sa báhay na kanila ng tagpúan, nàpagúlat na mulì` ang páre`, at tumanùng sya ng mulì`: "Anu ng hagdánan itò? Ganito bà ang hitsúra nang hagdána ng papuntà sa lángit?"

"Sinábi ko nà sa iyò at hwag kà ng maíngay", ang isinagòt ni Hwàn, "Ito ngà` ang hagdána ng paakyàt sa lángit."

Nang mápanhik nà silà sa báhay ay sinalúbong silà ni Dyégo at ni Andrès. Inilapàg ni Hwàn ang kanya ng dalà, at sinábi nya sa dalawà: "Dala ko ríto ang iniyútos ninyo sa áki ng nakáwin. Dala ba ninyò ang lima ng daa ng píso?"

Ang dalawà y hindí naniwála ng agàd. Kanyà` ang ginawá nila y binútas nilà ang sáko at sinílip nilà ang lamàn. Sa loòb ay nàkíta nila ang úlo nang párì` na may satsàt. Kanyà` iniyabòt nila kay Hwàn ang lima ng daa ng píso, at sila ng lahàt ay nanáog pagdáka. Iníwan nilà ang páre` úpang sya ay magpakawalà` sa kanya ng saríle.

31. ANG PANGHUHÚLI NANG MANGA UNGGÒ`.

Hindí bihíra` sa manga gúbat na màtagpuàn ang malalakì ng káwal nang manga unggò`. Kung walà ng armàs ang isà ng nàpápasa kanila ng lugàr, silà y mababagsìk, at may pangánib na patayìn nilà ang táo ng kanila ng màpagkalipumpunàn. Silà kung nagàgálit ay nagsìsipanáog sa manga púnù nang káhoy at pinagtùtulùng-tulúnga ng kinákagat ang táo ng násàsa kapangyaríhan nilà. Dáhil díto ang isa ng táo ng naglálakad sa manga gúbat na marámi ng unggò` ay hindí magpàpabáya ng magdalà nang barìl. Ang manga unggò` kung pinùputukan nà nang barìl ay wala ng tákot. Karamíhan ay hindí nagtàtakbúhan, dátapuwat tinìtingnan nilà ang pinanggàgalíngan nang íngay at nang asò. Ang manga dinàratnan namàn nang bála ay sinásangga itò nang kanya ng kamày, pára ng sumásangga sa isa ng pukòl lámang. Kanyà` ang manga pálad nilà ay nàbùbútas dìn nang bála kung silà y tamaàn.

Hindí bihíra` ang manga táo y nanghùhúle nang buhày na unggò` úpang kanila ng aliláin at ipagbilì sa manga taga iba t ibà ng lupaìn na nagsìsipuntà sa Filipínas. Ang panghuhúle nang buhày na unggò` ay hindí nangàngailángan nang malakì ng págod, dátapuwat ang paraàn nang paghúle sa kanila ay isà ng panglolóko lámang sa kanilà. Ito ng sumúsunòd ay isa ng halimbáwà nang paghúle sa kanilà.

Kung ang isa ng táo ay íbig humúle nang unggò`, karanyúan ay naglùlúto` o nagpàpalúto sya nang kakanìn, at itò y hinàhalúan o pinahàhalúan niya nang balasìng. Ang balasìng ay isa ng butò nang haláman na nakalálasìng o nakapagáantòk nang malálim na antòk sa manga háyop na makàkáin. Gayon dìn ginàgámit itò sa panghuhúle nang isdá sa ílog. Pagkalútò nang kakanìn itò y dinádala nang táo sa lugàr na kinàdòroonàn nang káwal nang manga unggò`. Dátapuwat kung itò y ilagay nyà nang mahúsay sa lúpà` ang manga unggò` ay hindí magsìsipanáog úpang kumáin. Hinìhinálà nilà na ang kakanì ng iyòn ay páin lámang sa kanilà úpang silà y hulíhin o patayìn. Dáhil díto ang ginágawa nang táo ay nagtàtakut-takútan pagkátanaw nyà sa manga unggò`, at sya y nagtátakbò na súnong ang biláo nang kakanì ng may balasìng. Sa kanya ng pagtakbò ay nagdàdapa-dapáan syà, at dáhil díto y ang súnung nya ng kakanìn ay nàpàpalagpàk at nàsàsábog sa lúpa`. Kung itù y mangyári nà, ipinatùtúloy din nyà ang kanya ng pagtakbò, at sya y nangúngublè sa isa ng lugàr, úpang tanawìn nya ang pagkakàínan nang manga unggò`. Pagkàkíta nang manga unggò` sa patakbò ng pagalìs nang táo at pagkákubli nitò, silà y nagsìsipanáug sa manga púno-ng-káhoy at nagsìsipagagawàn nang kakanìn. Nagkàkàdagàn-dagàn silà sa pagaagawàn, at lubhà ng malakì ang íngay, sapagkàt ang báwat isa ng káwal nang unggò ay máy-roo ng limà ng daàn o isà ng líbo ang bílang. Pagkakáin nilà hindí nalàláon at sinúsumpong silà nang antòk, nagsìsipanghína` at hindí makaakyàt sa káhoy. Isa ng nakàtàtawa ng panoorìn ang manga unggò ng itò, matandà` at bátà`, ay nangàtàtalungkò sa lúpa` at nagsìsipagyukayòk báwat isà. Ang ibà ng hindí nagkapálad na makàágaw nang kakanìn ay nagsísiyakyàt sa púno-ng-káhoy at pinanónood ang kanila ng manga lasìng na kasamahàn. Pagaanyò` nang ganitò nang manga unggò`, ang táo ng nàkùkublì ay saká pa lámang lumàlápit at isa-isà ng sinùsunggabàn ang manga natùtúlug na unggò`. Hindí maláo ng panahòn ang pagubrà nang balasìng na itò, at ang manga unggò y nagsìsihúsay pagkaraàn nang ilà ng áraw.

Ang ikalawà ng karanyúa ng gawìn sa panghuhúli nang unggò` ay ang pagpapáin sa kanila nang nyòg. Ang isa ng boò ng nyòg ay nilàlagyan nang bútas. Ang lakì nang bútas na itò ay hustò lámang na màipásuk nang unggò` ang kanya ng kamày kung walà ng tángan. Sa loòb nang báo nang nyòg ay inilálagay ang isa ng pirásu-ng-lamàn nang nyùg, at ang lahàt na itò y inilálagay sa lugàr nang manga unggò`. Ang manga unggò` ay magustúhin sa nyòg, at pagkàkíta nilà díto ay dinùdúkot nilà ang lamà ng nása loòb nang báo. Kung masunggabàn na namàn nilà ang lamàn nang nyòg, ang kanila ng kamày ay hindí nila màilabàs sa bútas, ní íbig namàn silà ng bitíwan ang lamàn nang nyòg. Dáhil díto silà y pára ng nakapangàw at paglápit nang táo ng manghuhúle ay hindí sila makaalìs, sapagkàt ang niyog namàn ay mabigàt at kung mínsan ay máy-roo ng pabigàt. Kanyà` paglápit nang manghuhúle, ay wala ng hírap nya ng nasùsunggabàn ang manga unggò` o matsìng na nangàpàpangàw.

32. ANG FIYÈSTA NI SANG-HWÀN.

Ang abéynte-kwátru nang Húnyo ay sya ng áraw na kapyestáhan ni Sang-Hwàn, at itò y ipinagdìdíwang sa manga bayàn-bayàn sa lalawígan nang Bulakàn. Sa bwàn nang Húnyo ay kasalukúyan ang ulàn at mapútik. Ang paniwálà nang manga táo si Sang-Hwàn ay sya ng sànto ng nagpàpaulàn, dáhil díto y maibigìn sa túbig at pútik. Kanyà` ang manga pagdiríwang na ginágawà` sa kanya ng kaarawàn ay lubhà ng malakì ang pagkáiba sa pagdiríwang na ginágawa sa kaarawàn nang ibà ng sànto. Sa báya ng malalápit sa dágat kung bwàn nang Húnyo ay bumábahà`, at ang túbig ay umàáhon sa báyan. Sa manga báya ng malaláyo` sa dágat ay lubhà ng maulàn dìn, at karanyúwa y ang manga pagbahà ng itò at pagulàn ay nàtàtaòn sa kaarawàn ni Sang-Hwàn. Ang manga táo ng kasáli sa pagdiríwang ay nagsìsipagbasà` sa bahà` o sa ulàn. Sa manga báyan nang Malólos at Hagúnoy kung nàtàtaòn ang fyèsta ng itò sa isa ng bahà ng malakì, hálos lahàt nang táo ay naglúlublob sa túbig o kayà y nagsìsipamangkà`. Kung hindí namàn bahà`, ang manga táo y nagsìsipaglibòt lámang sa ulàn. Marámi ng taga búkid at taga báriyo ay nagsìsipagpalimòs sa kaarawà ng itò. Karamíhan sa kanilà ay manga báta` o kayà y manga bináta`. Bihíra ng máy manga babáye. Pangkat-pangkàt sila ng nagsìsipagpalimòs, at báwat isa ng pangkàt ay máy manga kasáma ng músiku ng bungbòng. Ang manga hindí nagsísitugtòg ang katungkúlan ay kumantà o kayà y sumayàw. Sila ng lahàt ay uwalà ng pamamáro` hálos, gáya nang manga Igoróte, dátapuwat ang boò ng katawàn mulá sa paà hanggàng úlo, patì manga matà at taínga, ay nàkùkulapúlan nang pútek.

Ang manga pangkàt na itò ay tumàtáwag sa bahay-bahày. Naghíhintó sila sa harapàn nang báhay, at díto y tumútugtog silà o kayà y nagsìsikantà o nagsásayàw. Ang karanyúa ng kanila ng kantahìn ay úkol sa nagìng pamumúhay ni Sang-Hwàn o kayà y nang iba ng sànto ng kaybígan nitò. Sa kanila ng pagtutugtúgan ang kanila ng áyos ay makahiléra ng pabilòg, kung mínsan ay nakatayò`, kung mínsan ay nakatalungkò`, o kayà y nakaluhòd. Kung máy-roo ng nagkákantà o sumásayàw, itò y násàsa loòb nang bílog nang manga mànunugtòg, at doòn nya ginágawà ang kanya ng pagkantà o pagsayàw. Pagkaraàn nang dalawà o tatlò ng tugtúgan, kantáhan, o sàyáwan, sila y nagsìsipaghintò` at sabày-sabày na nagsìsipanghingì` nang limòs sa manga táo ng nanúnood sa kanilà. Kung sila y hindí limusàn, kumùkúha silà nang pútik sa kanila ng katawàn at pinúpukul nilà ang manga táo ng mararámot.

Ang boò ng maghápun ay inùúbus nilà sa ganitò ng pagdiríwang. Ang manga manglilímos na itò ay lubhà ng marámi rìn, kanyà` silà y nakatùtúlung na magpasiglà sa báyan káhit na lubhà ng maulàn.

Sa manga pagbabangkáan namàn ay hindí bihírà` ang magkalunòd ang manga táo. Kanyà ang ugáli ng itò ay unti-untì ng nawáwalà`. Gayon dìn sa manga panahò ng itò ang manga táo y nagíging kuríput at bihíra ng maglimòs. Kanyà` ang manga manghihingí nang limùs sa kaarawàn ni Sang-Hwàn ay untì-untì ng nawáwalà`.

33. ANG MANGA PANGINGÍLIN NANG MANGA KAMAGÁNAK NANG ISA NG NAMATÀY.

Ang isà ng angkà ng namàmatayàn ay hindì` ang kanila ng loòb at káluluwa lámang ang nagtátamu nang hírap, kung hindì` patì ang bulsà rìn nilà. Itù y dahilàn sa lubhà ng malalakì ng dámi nang ginùgúgul nang namàmatayàn sa pagdadáos nang sarì-sári ng kaugaliàn.

Sa áraw nang pagkamatày nang isa ng táo, sa angkàn nitò ay marámi ng lubhà` ang nagsìsidálaw, at ang manga nagsìsidálaw namà ng itò ay hindí nasìsyahàn nang pakikipagdalamhátì lámang sa kamaganákan nang namatày, dátapuwat silà y nagtútumirà sa báhay nang namatayàn. Dáhil díto ang angkàn nang namatày ay napìpilíta ng maghandá nang pangpakáin sa manga dálaw. Karanyúwa y hindí inilílibing agàd ang patày, dátapuwat ibinùbúrol múna ng dalawà o tatlo ng áraw mulá sa pagkalagùt nang hiningà. Sa manga áraw na itò áraw-gabì ay walà ng patìd ang dálaw nang manga táo. Karamíhan ay manga kamagának at ibà y manga kaybígan, kápit-báhay, o ibà ng kakilála sa báyan. Kung ang namatày ay isa ng táo ng marámi ng kaybígan o kamaganákan sa iba ng báyan sila màn ay dumàdálaw rìn, at silà y dápat na bigyàn nang tìráhan at pagkáin nang angkàn nang namatày. Itò y ganitò sapagkàt sa manga bayàn-bayàn sa provìnsiya ay walà ng báhay-tùlúyan.

Sa pagpapakáin sa marámi ng dálaw na itò hindí bihíra ng nakaùúbus silà nang kabyàk na báka at ilà ng túpa, kambèng, at hindí mabílang na manga manòk. Ang kosinéro karanyúwa y upahàn, at ang malalápit na kamagának nang namatày ay nagsìsitúlung na maglúto`. Dáhil díto sa báhay nang namatayàn ang lugàr na kinàbùburúlan nang patày ay tahímik na tahímik at káhit na marámi ng táo ang nàròroòn, pabulòng lámang kung silà y magsàlitáan. Dátapuwat sa kainàn at lutuàn ang íngay ay hindí karanyúan. Isa t isà y nagùútos sa manga alíla`, may naghùhúgas nang pinggàn o kayà y manga palayòk, may nagpàpakintàb nang manga tinidòr at kutsílyo, may nagháhandà` sa lamésa, at iba pà. Sa kusínà namàn ang sagitsìt nang kawále` ay wala ng lubày. Ang pagtatadtàd nang karnè ay wala ng patìd at ang tinìg nang kosinéro at kanya ng alagàd ay sya na lámang nàrìrinìg.

Dátapuwat sa isa ng silìd namàn nang báhay ay doòn nàròroòn at nàlùlugmòk sa pagdadalamháte` ang manga angkàn nang namatày. Sila y nagsísiyàk nang úbus-lakàs at kung mínsa y nagdúduklày-duklày silà nang kung ano-anò ang mangyàyári sa kanila ng pamumúhay dahilàn sa pagpánaw nang namatày.

Kung mayáman ang namatày, itò y ipinadàdápit sa párè` at iniháhatid sa simbáhan. Pagdatìng doòn sa simbáhan binèbendisyunàn nang párè` ang patày at pagkatápos ay iniháhatid dìn nya sa lìbíngan. Ang lahàt nang manga dálaw ay kasáma sa paglilibìng na itò at kadalasà y nàsàsakay silà sa manga karumáta. Ang manga karumáta ng itò namàn ay upahàn, líban na lámang sa ilà ng árì nang manga dálaw.

Pagkálibing nang patày ang manga dálaw na taga iba ng báyan ay doon dìn ang wè` sa báhay nang namatày. Kadalasàn silà y nagsìsialìs agàd, dátapuwat kung magkàbihíra` ay silà y nagtítira na tatlu ng áraw úpang makàsále sa pagtatatlo-ng-gabè. Ang tatlù ng gabè ay idinàdáos sa báhay nang namatày. Díto ay dumàdálaw ang manga kamaganákan at silà y nagsísipagdasàl. Sa pagdadasàl na itò ay ang manga matatandá lámang ang kasáli, at ang manga binátà at dalága ay nagsìsipagbugtúngan namàn. Ang ganitò ng pangingílin ay ginágawa sa loòb nang tatlu ng gabè. Sa katapusà ng gabè karanyúa y lubhà ng marámi ang táo, at ang handà` ay malakì káy sa dalawà ng gabì ng nagdaàn. Marámi rìn namàn sa manga nagsísidalò ang nagbíbigay nang limùs sa namatayàn. Karanyúwa y manga pangpakáin sa manga dálaw.

Sa manga angkà ng mahihírap ang manga pangingíli ng ito ay ginágawá rìn, dátapuwat ang pagdápit at paghahatìd lámang nang pári sa patày ay walà`. Sa pagbebendisyòn nang patày ang isa ng táo y makabàbáyad sa páre` nang gustuhìn nyà. Ang pinakamúra ay ang pagbebendisyòn sa patày sa pintúan lámang nang simbáhan at sa sahìg nàlàlapàg. Ang sumúsunòd ay ang pagbebendisyòn nang patày sa pintúan dìn, dátapuwat nàpàpátung lámang ang ataòl sa isa ng altàr. Ang manga mahahalagà ng pagbebendisyòn ay ginágawà` sa tabì nang altàr. Mulá sa isa ng daà ng píso hanggàng sa lima ng daàn ang manga halagà nitò.

34. ANG TAKBÚHAN SA AMERIKÁNO.

Ang manga táo sa San-Migèl ay nagìng pára ng manga káwal nang háyop na umìílag sa manga pamálo` nang manga pastòl at panghahábol nang manga áso ng mababagsìk. Silà y lubhà ng maibigìn sa katahimíkan at kapayapaàn. Gayon dìn sila y lubhà ng pàniwalaìn sa sabi-sabì, at itò ng manga bágay na yitò ay sya ng hindí ikinàpátag nang marámi sa kanilà sa báyan sa panahòn nang manga paghihìmagsíkan lában sa Kastíla` at sa Amerikáno. Totoò rìn namàn na marámi sa kanilà ay nangagsipagtakbò dahilàn lámang sa katakútan o kadwágan.

Nang mangyári ang paghihìmagsíkan lában sa Kastíla` nang taò ng isa ng líbo walu ng daàn at siyàm na pu t ánim, akò y àápat na taòn pa lámang sa gúlang. Áyon sa sinábi sa ákin nang áki ng nánay, kamì ay nagsipuntà sa Mayníla` sa lugàr nang umáhon sa bundòk. Walá ako ng marámi ng natàtandaàn nang manga nangyári sa panahò ng yaòn, kung hindí ang bágay nang ámi ng pagpuntà sa estasyòn nang trèn. Pagdatìng sa Mayníla` ay hindí kami nakapások sa loòb nang báyan kung hindì` may pahintúlot nang isa ng pinúno` sa báya ng iyòn.

Ang sumúsunod na bágay na nátalà` sa áki ng pangalaála ay ang pagkátira námin sa Bigaà, sa báhay nang isa ng mànananggòl na ang pangála y si Don-Nasáryo. Ang dahilàn nang ikinalípat námin sa báya ng itò ay ang pagílag sa paglalabanàn nang manga Katipúnan at manga Kastíla` sa Mayníla`. Sa Bigaà ay manga sundálo ng Tagálog sa kanila ng pagsasánay sa pakikipaglában.

Hindí nalaúnan at kamì ay nápasa báyan nang Bùstos. Ang báya ng itò ay nasàsákup dìn sa manga panahò ng iyòn nang manga Katipunéros. Ang báya ng iyòn ay lubhà ng magandà dahilàn sa sarì-sáre ng hitsúra nang manga bágay-bágay na nàkìkíta. Ang ílug ay lubha ng maláwak, ang pasígan ay malápad, may manga buntòn nang batò at buhángin sa pasígan. Ang ámi ng manga kaybíga ng tinulúyan ay mababaìt na táo. Akò at ang áki ng kapatìd na babáye ay kanila ng paráti ng ipinalílibàng, at ang paglilibàng na itò ay ang pagpapasísid nang páto sa malínaw na túbig sa ílog.

Kung anò ang nangyári sa manga paglalabanàn nang manga panaho ng iyòn ay hindí ku nàalamàn, dahilàn sa kaliitàn at kawalàn pa nang málay.

Nang dumatìng ang takbúhan sa Amerikáno, akò y may gúlang na nang kauntì`, at marámi akù ng natàtandaàn sa ámi ng pagtakbò sa bundòk. Nang ang manga Amerikáno ay nagsìsipanálo na lában sa manga sundálo ni Aginàldo ang manga táo sa báya-ng-San-Migèl ay pinagsisiglàn nang tákot. Lumagánap sa báyan ang balíta` na ang manga Amerikáno ay manga táo ng salbáhe, malulupìt, at mababagsìk at wala ng pìtágan sa káhit anu pa màn. Itò y sigúru ng isa ng balíta ng pakálat nang manga Kastíla` at lálù na nang manga kúra sa Filipínas.

Dáhil sa pagkatákot nang manga táo sa manga Amerikáno hálus kami ng lahàt na namàmáyan ay nagsipagbalùt at nagsiáhun sa bundòk. Kamì ay nàtìtirà noòn sa báhay nang isa ng áli nang áki ng nánay, at doòn ay kasúno rìn námin ang angkàn nang kúya nang áki ng nánay. Áki ng natàtandaàn na máy-roò ng mahigìt na sà m pu ng áraw ang pagbabastáan at ang paghahàkútan nang manga kasangkápan námi ng magkakasúno`. Ang manga karitòn na máy lúla ng kasangkápan ay gabì kung ipalákad, úpang ang manga kalabàw na humìhíla ay huwàg magsisáyad sa kainítan nang áraw. Ang manga karitòn ay pùnúan hanggàng sa ituktòk nang kárang nitò at ang manga kalabàw ay lubhà ng nahirápan sa paghíla nang mabibigàt na lúlan. Nang walá na ng nàtìtirà sa manga abúbot ay kamì namà ng manga táo ang nagsilúlan sa karitòn úpang ihatìd sa bundòk.

Ang lugàr na ámi ng pinarunàn ay tinàtáwag na Paà-ng-Bundòk, kalaháti-ng-áraw na lakárin mulá sa Sibòl. Doòn ang dinatnàn námi ng titirhàn ay isa ng kúbo lámang na may atìp na kúgon at lubhà ng maliìt. Ang sahìg ay manga sangà nang káhoy na pinutúlan nang manga maliliìt na sangà, dátapuwat hindí makikínis ní hindí pantay-pantày. Gayon dìn lubhà ng maliìt at pinàpások nang hángin at lamìg. Ganoòn ang ámi ng tinirhàn na may ila ng bwàn, sa lugàr nang báhay na tablà nang áli nang áki ng nánay.

Doòn sa Paà-ng-Bundòk ay nakátagpu kamì nang maràmi ng kababáyan na nagsiílag dìn, at ang manga náhuli ng nagsidatìng ay nagbalíta ng ang lahàt nang táo sa báyan ay nangása bundok nà o kayà y nangása ibà ng báyan nà. Ang báya-ng-San-Migèl ay nawalà`, dátapuwat ang manga báhay ay sya lámang nàròroòn.

Pagkaraàn nang ila ng bwà ng pagtitirà námin sa Paà-ng-Bundòk ay lumípat kamì sa isa ng lugàr na líhim. Ang lugàr na iyòn ay isà ng kaingìn sa kagubátan. Walà ng nakààalam ní sínu man sa ámin ang pangálan nang lugàr, at ang ibà ng nakààalàm ay inilíhim na lubhà`, úpang hwag màpagalamàn nang iba ng táo ang ámi ng kinàtàtagúan. Iyòn ay paraàn nang pangingílag hindí sa kaáway lámang, dátapuwat sa tulisàn at magnanákaw dìn. Ang báhay na tinirhàn námin doòn ay lubhà ng malakì, mahába ng mahába` sa ilálim nang isà ng bubungàn. Ang kabahayàn ay hináti nang magkakasinglakì ng kwàrto. Máy-roo ng walò ang bílang nitò. Sa báwat kwàrto ay isà ng angkàn ang nátirà. Díto ay máy-roon dì ng ila ng bwàn ang ámi ng ikinàpagtirà.

Nang màlàlapit nà sa báya-ng-San-Migèl ang manga Amerikáno, nàbalitáan námin na ang manga táo ng itò y hindí gáya nang manga sabì-sabè, kanyà` umuntí nang umuntì` ang ámi ng tákot sa kanilà. Dáhil díto y umalìs kamì sa ámi ng malálim na taguàn, at naparoòn kamì sa Páho`. Itò y isà ng lugàr sa bundok dìn, dátapuwat malápit nang kauntì` sa báyan. Díto y lubhà ng marámi kamì ng dinatnàn nang manga kababáyan at tagà iba t ibà ng lugàr. Karamíhan sa kanilà ay máy manga sakìt, dahilàn sa pagtitirà sa bundòk. Díto nagkaroòn nang malakì ng kagamitàn ang manga gamòt na ipinaáhon ni Nánay sa bundòk, at hindí iníwan sa báyan. Ang manga gamòt na itò y árì ni Tátay at kanya ng iníwan sa pagkapatápun sa kanyà nang manga kúra sa Holò. Isa ng umága máy-roo ng tumáwag sa ámi ng báhay úpang bumilì nang gamòt. Hinánap ni Nánay ang kahò ng kinàlàlagyàn nang gamòt. Nang itò y mabuksan nà ay nàkíta námin ang isà ng áhas na nakaíkid at natùtúlog sa ibábaw nang ipà na nàtàtábon sa manga bóte. Malaki ng twà` nang ibà ng táo ng nakàkíta, dátapuwat si Nánay ay natákot lámang. Hindí nya nàlàláman ang kahulugàn nang áhas na iyòn. Pagkaraàn nang kàtwáan ay itinanùng ni Nánay kung anò ang dáhil at silà y nagkàkàtwáan. Isinagòt nilà kay Nánay na ang kahulugàn nang áhas na iyòn ay ang pagpatúngo sa pagyáman nang may árì nang gamòt. Si Nánay ay nàpatawà lámang sa kanilà ng sábi, at hindí sya nanìniwálà sa manga bágay na iyòn.

Nang makaraàn ang ilà ng bwàn ay iníwan námin ang Páho` at umwí kamì sa báyan. Nang kamì ay dumatìng na doòn, marámi sa ila ng kasangkápan na naíwan námin ay pinagnakàw nang ila ng táo ng nangaíwan sa báyan. Ang tablà na sahìg nang báhay nang áli ni Nánay ay walá na, at hindí nila nàláman kung síno ang kumúha.

Hindí nalaúnan ang ámi ng pagdatìng sa báyan at nàbalíta ng ang manga sundálo ng Amerikáno ay malápit na sa báya-ng-San-Migèl. Kamì ay hindí nabagábag sa balíta ng itò, at hinintày námin ang kanila ng pagdatìng. Isà ng katanghalían ay matahímik ang báyan. Ang manga sundálu ng nangása báyan ay nangagsialìs at ang ibà ng hindí umalìs ay ipinagtapòn ang kanila ng manga barìl. Ang dahilàn nang bágay na iyòn ay ang pagpások nang manga sundálo ng Amerikáno. Sa dulúhan nang bakúran nang báhay na ámi ng kinàtirhàn ay nàkíta ko ang paglápit nang manga sundálo. Ang salawàl nilà ay káki at ang kamiséta asùl. Bitbìt nilà ang manga barìl at nakahiléra sila nang pagtakbò sa bukirìn at patúngo silà sa daàn.

Nang ang manga Amerikáno y sya nà ng namàmahála` sa báyan, may ila ng bwà ng ang manga útos ay mahihigpìt. Ang manga ílaw ay ipinapápatay sa alasès nang gabì, at wala ng táo ng pinahìhintulúta ng maglakàd pagkaraàn nang óras na itò. Sa manga bundòk na malápit sa San-Migèl ay marámi ng manga sundálo ng Tagálog at madalàs nila ng sinalakáyan ang báya-ng-San-Migèl. Dáhil sa manga pagsalákay na itò, ang manga báhay sa San-Migèl ay pinagsunòg nang manga Amerikáno. Kung gabi-gabì ang pagsalákay nang manga sundálo, gabi-gabì rìn namàn ang ginawà ng panunúnog nang manga báhay. Ang ámi ng manga kápit-báhay ay nagsìsilípat sa ámin gabi-gabì úpang doòn makitúlog, sapagkàt sa ámi ng báhay ay hindí lubhà ng malakì ang pangánib sa manga bála nang nagsìsipaglabanàn. Ang manggagamòt nang manga sundálo ng Amerikáno na násàsa báya-ng-San-Migèl ay nagìng kaybígan nang áki ng tátay, at dáhil díto y náligtas sa súnog ang ámi ng tìráhan. Mínsan ay sinábi nang manggagámot na itò kay Tátay na madalàs sya ng sumáma sa manga patrúlya at sinàsábi nya ríto na hwag sunúgin ang ámi ng báhay. Sa kalaúnan, nang hindí mapaalìs nang manga sundálo ng Tagálog ang manga Amerikáno sa báyan, ay hinintuàn na nilà ang pananalákay, at ang báya y tumahímik nà.

TRANSLATION

1. THE FOOLISH MONKEY AND THE CLEVER TURTLE.

Once upon a time, when the turtle was swimming in the river, he saw a banana-tree adrift and being carried along by the current. He dragged it to the beach, but was not able to carry it up to the solid ground. Therefore he called his friend, the monkey, and offered him a half of the banana-tree, if he would plant his part for him. The monkey agreed, and they divided the banana-tree at the middle, half-way from either end. The monkey took the half which had leaves, because he thought it would grow better than the half which had none.

When a few days had passed, the monkey's tree died, while that of the turtle grew until it bore fruit. The bananas grew ripe, but the turtle could not climb for them. Therefore he called his friend, the monkey, and offered him some of the fruits of the banana, if he would climb the tree. The monkey climbed up and ate for all he was worth.

Said the turtle: "Throw me some."

But the monkey answered: "Though sweet the skins, I'd throw you none."

The turtle got angry and scattered spines round the foot of the tree. When the monkey jumped down, he landed on the spines. He suspected the turtle and looked for him, in order to punish him. He found the turtle behind a stump.

Said he to the turtle: "I am going to punish you. Choose between the two: shall I bray you in a mortar or drown you in the river?"

The clever turtle began to shout and begged the monkey, if it were possible, to bray him in a mortar.

But the monkey answered: "I shall give you the punishment you don't want."

And he threw the turtle into the river.

When the turtle arrived in the water, he set up a shout and said to the monkey: "Thank you, friend! This is my home."

Note. p. 16, l. 2 ang pagòng hábang nalìlígo` is unusual and no doubt traditional for hábang ang pagòng ay nalìlígo`. Similarly, p. 16, l. 18 Balat màn at malinamnàm ... is traditional (proverbial) for modern Káhit na malinamnàm ang manga balàt.

2. THE RACE OF THE DEER AND THE SNAIL.

A deer, grazing in the jungle, came upon a snail that was creeping over the leaf of a bamboo-plant. The deer ceased from his grazing and watched the slow creeping of the snail.

When a few moments had passed, he said to the snail: "How slowly you walk! Why don't you learn to walk faster? Look at me,--I am often pursued by dogs, but my swift running is what saves my life. But look at you,--if you should be pursued by any foe, what will ever save your life? Surely you will get killed."

When the snail had heard these words, he looked at the deer and scanned his fine physique, his long legs, and his strong muscles. He wished that he too might be like the deer, so that he could run fast. However, he thought that if he forced himself to run, he should not remain far behind the deer.

Accordingly he answered the deer: "You are overweening. You do not suspect what can be done by one who has a strong will. I challenge you to race with me from here to the river that lies west of here."

The deer laughed loudly and answered the snail: "How can you think you will defeat me? I suppose you are going to cheat."

The snail answered that he was not going to cheat, and, so that there might be someone to watch them and be judge over their race, he suggested that they call one of their friends to be judge.

The deer agreed, and they called an owl to be judge.

When they began to run, the snail was soon left far behind. On his course the deer came upon a flourishing grass-field. He stopped to graze, since his start over the snail was so great. He planned that when he saw the snail coming, he would start running again. However, when he had done feeding, he was attacked by laziness. He went to sleep, with the thought that he would wake up before the snail arrived.

However, while he was asleep, the snail passed by. When he awoke, it was already late in the afternoon. He ran with all his might to the river, and there he was met by the snail and their judge, the owl.

"You are defeated," said their judge at once.

3. A GOOD FRIDAY.

Juan and his friend Pedro were canoeing on the river toward the town Baliwag. In their canoe they had an image of Christ which they were conveying to a priest to be used in the celebration of a Good Friday Mass. Juan was filled with terror.

Said he to Pedro: "This man of ours in the canoe is all chopped up with wounds and no longer breathing. I think this man is a corpse. I am afraid we shall be suspected by the priest to whom we are delivering him."

Pedro answered: "We shall tell him that when this man was loaded into our canoe, he was already in this condition. We have many witnesses, so don't be afraid."

When they reached the priest they gave him the image. The priest told them to come to church the next day in the afternoon to hear the sermon.

Juan was again filled with terror, for he could not make out why the priest wanted them to go to the church. He had often heard of men being summoned to the church and there seized by the gendarmes. However, he did not say anything to Pedro, for he saw that the latter had no fear.

On the next day in the afternoon they went to church, and there they saw a Christ nailed to the cross.

Said Juan: "That man, if you remember, is the one we delivered to the priest. We had better go to some place out of sight of the priest."

So the two of them went under the pulpit, to hear the sermon from there. The Good Friday Mass began, and the priest was already getting to the last part of his sermon.

In his sermon the priest said: "Repent ye of your sins, cruel people! Behold the wounds which you struck in the body of our Savior!"

When Juan heard this, he was again filled with terror, for he thought that he had fallen under suspicion.

Therefore, what he did was to come out from under the pulpit, face the priest, and say: "Father, we are not the ones who wounded this man! When he was loaded into our canoe he was already wounded."

When he had said this, he went back under the pulpit. The priest paid no attention to the speech he had heard, and went on with his sermon.

"The day has come now, when ye sinners must repent. The portals of Heaven are open now through the death of our Savior, and every sinner can enter Heaven, if he repent. But if ye do not repent, ye shall come to be punished with sufferings without end in the flames of Hell for the sufferings which ye caused our Savior to undergo. Behold His body sweating blood, His hands and feet nailed to the cross, and His wounds from head to feet. No one other caused Him to suffer and wounded His dear body, than you, ye sinners, and if ye do not repent, ye shall fall into Hell."

Juan could not remain in his place, for he thought that the priest was overflowing with anger against him.

So he again faced the priest and said, as loudly as he could: "Father, only a moment ago I told you that I had no part in wounding this man, so do not send me, sir, to Hell."

The priest was filled with great anger and said to the congregation: "What sort of people are you, foolish folk? Is there not one among you who can take hold of this fellow and choke him?"

When Juan heard this, he ran with all his might, trampling without regard the people who were kneeling and weeping in repentance of their sins. He was followed by Pedro, and the two ran together, without stopping, until they reached their home town. And there they told the story of their narrow escape.

4. THE HUNCHBACK AND THE BLINDMAN.

A hunchback and a blindman were close friends. When they walked, the hunchback led the blindman; the blindman, on the other hand, carried the hunchback on his shoulders, when they had a hard road to travel, for the hunchback was weak of body.

Once they came upon a cocoanut-tree. They wanted to pick some of the fruits, but they did not know which of the two of them should be the one to climb the tree. The blindman said that he should not be able to climb, because he should not be able to see which fruits to pick, since there were many unripe fruits. The hunchback also did not want to climb, on account of his weakness. However, he was very eager to eat of the cocoanuts, so, finally, he said to the blindman that he would do the climbing.

"To prevent your being robbed of the fruits which I shall throw down, do you count out loud the thud on the ground of the fruits as I drop them, so that I may keep track of the number."

The hunchback began to climb, but when he was half-way up, he fell down.

"One!" said the blindman.

The hunchback told him that it was he who had made the thud and not a cocoanut.

He climbed again. After a few moments he took another fall.

"Two!" shouted the blindman.

The hunchback got angry and told the blindman that he was stubborn.

He said: "That first thing that made a thud was I, and the second one was I again; I haven't yet picked any cocoanuts."

But the blindman planned to make fun of the hunchback's falls. So he decided that, when he again heard a thud, he would cry "Three!"

The hunchback climbed again, but again fell. The blindman cried "Three!" and laughed.

The hunchback grew hot with anger. He went up to the blindman and slapped him in the face. The slap hit the blindman's eyes, and through it his eyes came open. To take revenge he kicked the hunchback. He struck him on the back, and through this his hump was straightened out.

They both rejoiced at what had happened, and their friendship grew all the closer, instead of their becoming enemies.

5. THE KING WHO HAD HORNS AND JUAN.

On a group of islands there ruled a man who had two short horns hidden in his thick hair. This was not known to his subjects, but the secret began to spread among the people by way of the barbers who had cut his hair.

On account of this he conceived a great anger against barbers and planned to exterminate the barbers in his kingdom. He ordered four deep wells dug in front of his residence, and in the center between the four pits he had a seat placed. One day he sat down on the chair between the four pits, and asked everyone who passed whether he knew how to cut hair. Whenever anyone said "Yes," he stopped him, gave him a pair of shears, and had him cut his hair. After a little while he asked each hair-cutter what he saw on his, the king's, head. The hair-cutters all told the truth, and each one of them answered that he saw horns. Every one who answered thus was pushed by the king into one of the pits that were round him.

A few days passed and two of the pits were already filled with barbers and were ordered by the king to be filled up with earth. The passers-by who knew how to cut hair grew scarce, and the king thought he had already killed all the barbers in his kingdom.

One day he waited on his seat until mid-day, before a man came by who said he knew how to cut hair.

The king asked him: "What is your name?"

The man answered: "My name, sir, is Juan."

"Cut my hair, Juan," commanded the king.

Juan approached the king and began to cut his hair.

After a short time the king asked: "What do you see on my head, Juan?"

His reply was thus: "Your Majesty, I see on your head the crown."

This made the king glad. Therefore he got up from his seat and led Juan into his palace and made Juan barber royal. He gave Juan large wages and had the remaining pits filled up.

6. THREE STUDENTS.

Juan, Pedro, and Andrés were three students from the same town who were friends. When the opening of the schools came, they knew that they would part: each one of them was to go to a different town. Before they parted, they appointed a place where they would meet at the beginning of the vacation.

A year passed, the closing of the schools arrived, the students returned to their home towns, and the three friends, Pedro, Juan, and Andrés met in the town where Pedro had been brought up, to spend the vacation there.

When they came together, after discussing various matters, they inquired how much each of them had learned in his study of the Spanish language. Pedro said that he knew a great many Spanish words, but that which he remembered best was the word "Vamos."

Juan in turn answered: "I too know a great deal, but what I recall just now is the word 'Matar.'"

Andrés said that he had learned nothing except the word "Si."

After their conversation Pedro suggested that they go boating on the river and take a bath.

When they were boating on the river, they saw on the bank a Spaniard who wanted to bathe. Pedro said it would be a good idea to speak to the Spaniard, so that each one of them might show his knowledge.

Pedro began and said "Vamos!"

Juan answered "Matar!"

And last came Andrés with his "Si!"

When the Spaniard heard this, he was filled with terror, for he thought that the three canoers were going to kill him. Therefore, even though he did not know how to swim, he jumped into the river and was drowned.

7. A SOLDIER WHO KNEW LATIN.

Three friends, a priest, a physician, and a soldier, went together to shoot wild game in a deep jungle. As the jungle was far from the town, they carried plenty of provisions, so as not to be in want of food. A few days passed without their bagging anything. Their provisions grew less and less, until there was nothing left except one raw egg. There came to them the day of great hunger, but the three had no food except the egg that was left.

The priest said that, if they divided the one egg, it would do them no good, for it would not slacken their hunger. Therefore the priest suggested that only one of them should eat the remaining egg, and in his selfishness he suggested that whichever of them was best at speaking Latin should eat the egg all by himself. He thought that the soldier did not know Latin, and the doctor alone would be his opponent, and his knowledge he held in contempt.

The doctor agreed to the advice of the priest, but the soldier did not want to consent, for he had not studied like the priest and the doctor, but there was nothing for him to do.

The priest took the egg and tapped it against a stone. When the egg was broken, he said: "Coronatum est," and looked at his two companions.

The doctor took the broken egg, removed the broken part of the shell, put on some salt, and said: "Saltum est."

The physician handed the egg to the soldier, and the priest and he waited for what the soldier would say.

The latter did not know what to say, for he really did not know a single iota of Latin. In his cogitation he remembered that once, when he went to church to hear the Good Friday Mass, he heard from the priest that the meaning of the words "Consummatum est" was "It is all over now." So he poured the egg into his mouth and, when he had swallowed it, he said: "Consummatum est."

His two companions were greatly astonished at the learning of the soldier, which they had by no means suspected.

8. THE SEVEN DWARVES.

A certain married couple had seven children who were dwarves. The father was out of work and could not find any. The mother also was not earning any money, for her body was weak and often sick.

One noon they were sitting on a bench and discussing the life they were leading. The man asked what they had better do with their many children. The woman suggested that they should look for work for their children, so that they might earn money. But the man answered that, in his opinion, they would not be able to find any work, since he himself had not been able to find any. Therefore he suggested that they had better abandon their children.

Comments

Log in to leave a comment.

Tagalog Texts with Grammatical AnalysisChapter IV: Preface (3)

0%37 min left in chapter